PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MIA na si Ken Chan, nagpasalamat sa bagong best actor award

Close friend ni Ken Chan na si Ryan Mitchel Kolton, inactive na sa social media.
by Jojo Gabinete
Published Oct 17, 2024
ken chan papa mascot
Ken Chan, who is reportedly still out of the country, posts a short message on Facebook after winning best actor at Pasado Awards for his performance in Papa Mascot (right).
PHOTO/S: Facebook

Passion project ni Ken Chan ang Papa Mascot, ang pelikulang siya ang producer at ang bida.

Ipinalabas ang Papa Mascot sa mga sinehan noong Abril 2023.

Hindi man ito tinangkilik ng manonood, masaya si Ken dahil nakapagbida at nakagawa siya ng isang quality movie na katuparan ng kanyang matagal na pangarap.

Kahit hindi maganda ang resulta sa takilya ng unang proyekto niya bilang movie producer, nagbitaw noon si Ken ng salitang ipagpapatuloy nito ang pagpoprodyus ng mga pelikula.

Read: Ken Chan, di pinanghinaan sa box-office results ng unang pelikula bilang producer

Ken Chan as Papa Mascot
Ken Chan in Papa Mascot
Photo/s: @akosikenchan on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KEN CHAN WINS BEST ACTOR

Pero tila imposible pa itong mangyari dahil sa kasong syndicated estafa (Criminal Case No.R-QZN-24-06294-CR) na inihain laban sa kanya at sa anim na katao.

Read: Ken Chan, sinampahan ng kasong syndicated estafa

Pero may pampalubag-loob ang mga pagsubok kay Ken bilang movie producer dahil nagwagi siyang PinakaPASADOng Aktor sa 26th Gawad Pasado na naganap sa Philippine Christian University sa Maynila, noong Oktubre 13, 2024.

Nanalo si Ken para pagganap nito sa Papa Mascot.

Pero ibang tao at hindi siya ang personal na tumanggap ng parangal para sa kanya dahil pinaniniwalaang nasa ibang bansa pa ang 31-year-old actor.

Noong nakaraang buwan, sinabi ng kampo ni Ken na uuwi na ito ng Pilipinas para harapin ang syndicated estafa case.

Pero ayon sa mga nakausap ng Cabinet Files, nananatili siya sa isang bansa sa East Asia. Pinatotohanan ito ng mga Pilipinong nakakita sa kanya sa naturang lugar.

Read: Ken Chan, nagparamdam pagkatapos ng ilang linggong pananahimik

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi man personal natanggap ni Ken ang acting award niya mula sa 26th Gawad Pasado, nagpasalamat siya sa organisasyon sa pamamagitan ng kanyang Facebook post noong Oktubre 14.

Mensahe niya, “Maraming salamat po Gawad Pasado!”

Kahati ni Ken para sa nabanggit na parangal si Cedrick Juan na nagwagi naman para sa GomBurZa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kabilang sa mga akusado sa syndicated estafa ang matalik na kaibigan ni Ken, ang Caucasian actor at businessman na si Ryan Mitchel Kolton.

Sa pamamagitan ng email, sinubukan ng Cabinet Files na hingin ang panig ni Kolton tungkol sa asuntong kinasasangkutan nila ni Ken.

May balitang, gaya ni Ken, wala na rin sa Pilipinas ang kanyang 29-year-old na kaibigan.

Hindi na rin aktibo sa social media si Kolton buhat nang masangkot sa unbailable case ng syndicated estafa.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ken Chan, who is reportedly still out of the country, posts a short message on Facebook after winning best actor at Pasado Awards for his performance in Papa Mascot (right).
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results