Ipinararating ni Kiko Estrada ang taus-pusong pasasalamat sa lahat ng mga tumatangkilik sa Lumuhod ka sa Lupa, ang action-drama series ng TV5 na pinagbibidahan niya.
Masaya si Kiko dahil sa suporta ng publiko sa programang siyam na buwan nang napapanood sa telebisyon at naglunsad sa kanya bilang isang ganap na action star.
Read: Lumuhod Ka Sa Lupa ni Kiko Estrada, inilipat sa primetime
“It’s a great feeling knowing that people appreciate the hard work we put into the show.
"I’m grateful to the entire team—our directors, writers, co-actors, and crew—who made this project what it is.
"Most of all, I’m thankful to the viewers who have supported us from the beginning,” pasasalamat ni Kiko sa eksklusibong panayam sa kanya ng Cabinet Files.
KIKO WANTS TO REMAKE ACTION MOVIES OF FPJ
Ibinida ni Kiko ang mga natutunan nito buhat nang mag-umpisa ang kanyang taping noong 2024 para sa Lumuhod ka sa Lupa kaya pinagbubuti niya nang husto ang lahat ng mga ginagawa.
Saad niya, “Mas na-appreciate ko ang dedication na kailangan sa isang action-drama project. Hindi lang ito tungkol sa fight scenes, kailangan din ng lalim sa character at emosyon.
“Mas natuto akong magpakatibay, physically and mentally, para magampanan nang maayos ang role ko.
“Gusto ko pang mag-explore ng iba’t ibang roles at projects, whether sa TV o pelikula.
"Isa sa goals ko ay patuloy na mag-improve bilang aktor at magbigay ng mas makabuluhang performances.
"Open ako sa mga bagong opportunities, basta maganda ang material at challenging ang role."
Read: Kiko Estrada, kapansin-pansin ang "Coco Martin vibe"
Nangangarap ding magbida si Kiko sa remake ng mga paborito niyang action movie.
“Maraming classic action films ang gusto kong subukan, pero siguro isang pelikula na may lalim ang kuwento, hindi lang puro aksyon.
“Something like Totoy Bato [1977] at Panday [1980], mga kuwentong may puso at tunay na lalim bilang action-drama,” sambit ni Kiko, na lumitaw ang pagiging tagahanga ng King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.

KIKO ON WORKING WITH EX HEAVEN
Sa media conference ng Lumuhod Ka Sa Lupa noong Mayo 2024, nabanggit ni Kiko na hindi pa ito handang makatrabaho ang kanyang ex-girlfriend na si Heaven Peralejo.
Pero makaraan ang anim na buwan, naging bahagi ng action-drama series ni Kiko ang dating karelasyon.

Sa tanong tungkol sa muling pagsasama nila ni Heaven sa isang proyekto, “It was good working with Heaven again,” walang paliguy-ligoy na sagot ni Kiko
Read: Kiko Estrada, ayaw makatrabaho ang ex na si Heaven Peralejo?