PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pope Francis, bahagyang bumubuti ang kalagayan

Pope Francis, posible kayang mag-resign kapag hindi gumaling?
by Jojo Gabinete
Published Feb 21, 2025
pope francis health bulletin
Holy See Press issues an update about Pope Francis's condition: "The Holy Father‘s clinical condition is showing slight improvement. He has no fever, and his hemodynamic parameters remain stable."
PHOTO/S: Vatican News Facebook

Bahagyang bumubuti ang kalagayan ni Pope Francis.

Ito ang impormasyong ipinarating ng Holy See Press Office sa media noong gabi ng Huwebes, Pebrero 20, 2025.

Read: Pope Francis on current battle with pneumonia: “I might not make it this time.”

“The Holy Father‘s clinical condition is showing slight improvement. He has no fever, and his hemodynamic parameters remain stable.

"This morning, he received the Eucharist and then dedicated himself to work activities,” pahayag ng Holy See Press Office tungkol sa kalagayan ni Pope Francis, na nakaratay sa Gemelli Hospital ng Roma mula pa noong Araw ng mga Puso, Pebrero 14.

Ipinaliwanag ng director ng Holy See Press Office na si Matteo Bruni na may “focal pneumonia” ang Santo Papa.

Ito ay nangangahulugang may mga limitadong bahagi lamang ng baga ni Pope Francis ang may impeksiyon, pero nananatiling malakas ang puso ng 88-year-old pontiff.

Ang itinuturing na maselang kalagayan ng kalusugan ng pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko at ang salitang binitiwan nito na “I might not make it this time” ang mga dahilan kaya pinaghahandaan na ng Vatican ang kanyang pagpanaw, burol, at paglilibing sa kanyang mga labi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit dahil marahil sa kapangyarihan ng panalangin ng milyun-milyong tao para sa paggaling ni Pope Francis, bahagyang bumuti ang kanyang kalagayan.

Read: Pope Francis to lead mass for 500 years of Christianity in PH on March 14

ON POSSIBLE RESIGNATION OF POPE FRANCIS

“Everything is possible,” sagot ni Cardinal Jean-Marc Aveline, ang archbishop ng Marseille, France, nang tanungin tungkol sa posibilidad na pagbibitiw ni Pope Francis bilang pinuno ng Simbahang Katoliko kapag hindi gumaling ang karamdaman nito.

Pero sa librong may pamagat na Life: My Story Through History na inilabas noong Marso 19, 2024, sinabi ni Pope Francis na walang dahilan para bitawan niya ang kanyang tungkulin.

Aniya, “This is a distant hypothesis, because I don’t have reasons serious enough to make me think about giving up.”

Sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko sa loob ng 600 taon, si Pope Benedict XVI ang unang Santo Papa na nag-resign o tumiwalag mula sa kanyang posisyon dahil sa katandaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Pope Benedict XVI ay nag-resign sa edad na 85 noong Pebrero 28, 2013. Namatay siya sa edad na 95 noong Disyembre 31, 2022.

Si Pope Francis ang nahalal bilang kapalit ni Pope Benedict XVI.

Read: Pope Emeritus Benedict XVI dies at 95

pope benedict XVI pope francis
Pope Benedict XVI (left) and Pope Francis (right)
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sina Pope Francis at Pope Benedict XVI ang mga pangunahing tauhan sa The Two Popes, ang 2019 biographical drama film na tumalakay tungkol sa mga pagsubok na kanilang pinagdaanan bilang mga lider ng simbahan.

Si Anthony Hopkins ang gumanap na Pope Benedict XVI at si Jonathan Pryce ang nagbigay-buhay sa karakter ni Pope Francis.

Read: Pope Francis, humiling ng dasal para sa "very ill" na si Pope Benedict XVI

anthony hopkins jonathan pryce the two popes
Anthony Hopkins (left) as Pope Benedict XVI and Jonathan Pryce (right) as Pope Francis
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Holy See Press issues an update about Pope Francis's condition: "The Holy Father‘s clinical condition is showing slight improvement. He has no fever, and his hemodynamic parameters remain stable."
PHOTO/S: Vatican News Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results