PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Randy Santiago, may hiling sa Wil to Win viewers

Mamimigay siya ng shades!
Published Feb 24, 2025
Randy Santiago is Wil to Win's temporary host
Si Randy Santiago ang temporary main host ng Wil To Win show sa TV5.
PHOTO/S: @randysantiagoofficial on Instagram

Simula sa Marso 1, 2025, dalawa na ang regular na programa ni Randy Santiago sa TV5.

Bukod sa pagiging host ng Wil To Win, siya rin ang co-host ni K Brosas sa Sing Galing!, ang nagbabalik-telebisyon na Videoke Kantawanan show ng Kapatid Network.

Randy Santiago is Sing Galing!'s Sing Master
Randy Santiago is one od Sing Galing!'s Sing Masters
Photo/s: @randysantiagoofficial on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-umpisa noong Pebrero 11 ang hosting stint ni Randy sa iniwanang game at public service show ni Willie, at nagpapasalamat siya sa kaibigang tumatakbo bilang senador sa darating na Mayo 12, 2025 elections.

"Thankful of course na maraming pagpipilian na mga host, pero sabi ni Kuya Wil, ‘Rands, ikaw na muna ang pumalit pansamantala sa akin.’

"And of course bilang kaibigan natin talaga, hindi natin matatanggihan.

"So yun, sabi ko, 'Relax ka lang diyan at ikutin mo ang buong Pilipinas at ako na ang bahala sa show.'

"Yun lang, very thankful ako sa tiwala ni Kuya Wil.

"Ibinigay niya yung pagkakataon na gawin itong Wil To Win, Monday to Friday, kaya thankful ako,” ang sabi ni Randy sa panayam ng Cabinet Files.

Read: Randy Santiago, papalitan muna si Willie Revillame sa Wil To Win

Ayon pa kay Randy, "Ako naman, inaasahan ko po na sana suportahan niyo rin ang Wil To Win, kahit wala si Kuya Wil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako ang pansamantalang pumalit, e, sana po, maisigaw niyo rin po sa lahat ng mga kapatid natin na manonood na mag-enjoy lamang sila dahil tuloy-tuloy pa rin ang pamimigay natin na mga papremyo, jacket, at dadagdagan pa, mamimigay ako ng shades.

"Bigyan ng shades iyan!”

Read: Randy Santiago reveals history of his iconic shades

RANDY SANTIAGO, REUNITED WITH VEHNEE SATURNO

May kuwento naman si Randy tungkol kay Vehnee Saturno, ang award-winning composer, songwriter, at record producer na kasama niya sa Sing Galing!

Kabilang si Vehnee sa jukebosses o hurado ng Sing Galing!, samantalang si Randy ang isa sa Original Sing Masters.

Para kay Randy, reunion nila ni Vehnee ang Sing Galing! dahil ang huli ang lumikha ng isa sa kanyang mga hit songs noong dekada ’80, ang "Damdamin Para Sa 'Yo."

Ipinaalaala ni Randy, "One of my hit songs 'Damdamin Para Sa 'Yo' was written by Vehnee Saturno.

"Marami kaming collab ngayon ni Vehnee dahil sa Wil To Win naman.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kapag binigyan mo siya ng title, kunwari sasabihin ko, ‘Kuya Vehn, ito ang title.’

“Ibinigay ko na sa kanya, hindi ko na sasabihin ang title, ha, agad-agad, kinagabihan, meron [nang kanta].”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Randy Santiago ang temporary main host ng Wil To Win show sa TV5.
PHOTO/S: @randysantiagoofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results