Naghatid ng kalungkutan sa mga tagasuporta ng ABS-CBN ang balita tungkol sa pagbebenta ng mga may-ari ng dating giant broadcast company ng malaking bahagi ng kanilang ari-arian sa Quezon City.
Ayon sa mga ulat, nasa 30,000 square meters ng kabuuang 44,027.30 sqm na lupain ng ABS-CBN ang bibilhin ng Ayala Land, Inc.
Nagkakahalaga ang nasabing lupain ng PHP6.2 billion.
Para sa mga Pilipinong nagmamahal sa ABS-CBN, end of an era ang malungkot na balita dahil nangangahulugan ito ng pagkawala o pagkabuwag ng mga gusali at pasilidad na naging malaking bahagi ng kasaysayan ng Kapamilya network.
Read: ABS-CBN announces "difficult decision" to lay off 100 employees

ABS-CBN BULIDING LANDMARKS
Kabilang sa bahagi ng lupa na binili ng Ayala Land ang façade o harapan ng ABS-CBN, ang Millennium Transmitter Tower, ang Chapel of the Annunciation, ang mga network studio, at ang Dolphy Theater.
Nanganganib na tuluyang mawala ang mga ito.
Ang Dolphy Theater, na ipinangalan sa Comedy King na si Dolphy (Enero 25, 1928 – Enero 10, 2012), ang isa sa pinakapopular na gusali sa ABS-CBN main building.

Dito idinadaos ang mahahalagang pagtitipon tulad ng mga press conference, concerts, red-carpet premiere, awards night, at maging ang burol ng pumanaw na King of Comedy.
Ang Dolphy Theater, na dating ABS-CBN Studio 1, ang pinakamatandang studio ng Broadcast Center na ginamit na news room nang muling magbukas ang ABS-CBN noong 1986.
Ipinangalan kay Dolphy ang Dolphy Theater bilang parangal sa kanya, at nangyari ito nang magdiwang siya ng ika-80 kaarawan noong 2008.
Read: Updated: ABS-CBN Corporation franchise renewal timeline
Hindi pa isinisiwalat ng Ayala Land Inc. ang mga plano nila para sa malaking bahagi ng ABS-CBN na kanilang binili, pero marami ang naniniwalang condominium building ang itatayo nila sa naturang lugar.
Dahil sa malaking pagbabagong magaganap sa ABS-CBN compound, may mga nagtatanong tungkol sa mangyayari sa Chapel of Annunciation at historical marker ng makasaysayan na network.
Mawawala na rin ba ang mga ito o bibigyan ng importansiya ng pamunuan ng Ayala Land?