Ikinalungkot ni Epy Quizon ang balita tungkol sa posibleng demolisyon sa Dolphy Theater.
Ang Dolphy Theater ay sakop ng malaking bahagi ng ari-arian ng ABS-CBN sa Quezon City na ipinagbili sa Ayala Land Inc. sa halagang PHP6.2 billion.
Read: ABS-CBN, ibebenta ang malaking bahagi ng lupa sa halagang P6.2B
Ipinangalan ang Dolphy Theater sa yumaong ama ni Epy, ang King of Comedy na si Dolphy.
Pinasinayaan ang establisimyento nang magdiwang ng ika-80 na kaarawan noong 2008 ang beteranong aktor.
Namayapa si Dolphy sa edad na 83 noong Hulyo 10, 2012.
Read: Comedy King Dolphy dead at 83

EPY QUIZON ON DEMOLITION OF DOLPHY THEATER
“Siyempre, nakakalungkot,” pahayag ni Epy sa Cabinet Files tungkol sa kanyang naramdaman nang malaman niya ang balita tungkol sa nakatakdang pagkawala ng Dolphy Theater.
“Maybe one of these days, mapuntahan sana naming magkakapatid ang Dolphy Theater.
"Pero baka parang mas masakit yon. Mabuti pa siguro, wala nang goodbye.
"Malungkot din kasi talaga na mawawala ang Dolphy Theater."
Buo ang paniniwala ni Epy na mabuwag man ang Dolphy Theater, mananatili sa puso ng bawat Pilipino ang mga alaala ng kanyang ama.
“Dolphy will always be in the hearts of every Filipino,” deklarasyon ni Epy.
“His legacy will always be his passion to make us laugh which still resounds on social media as of to date.
“We may lose the Dolphy Theater, which stood as symbol of that passion, but we as Filipinos know that his comedy needs no symbol.”