PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Juan Karlos naghandog ng awit para kay Trisha Macalagay

Higit pa sa pagpirma sa larawan ni Trisha ang ginawa ni JK.
by Jojo Gabinete
Published Mar 16, 2025
Juan Karlos, Trisha Macalagay
Higit pa sa pagpirma sa mga larawan ni Trisha Macalagay (kanan), hinandugan din ni Juan Karlos (kaliwa) ang yumaong fan ng paborito nitong kanta niya na "Through The Years."
PHOTO/S: Screengrab from Anilag concert / @trishamacalagay Instagram

Higit pa sa pagpirma sa mga larawan ng pumanaw na estudyante at beauty queen na si Trisha Macalagay ang ginawa ng singer-actor na si Juan Karlos “JK” Labajo.

Inialay rin nito sa nasawi ang kanyang mga kanta na "Through the Years" at "Buwan" sa concert na naganap ngayong Sabado ng gabi, Marso 15, 2025, sa Laguna Sports Complex, Sta. Cruz, Laguna.

Juan Karlos in Laguna concert
Juan Karlos "JK" Labajo, hinandugan ng awit ang mga larawan na hawak ng isang audience member,
Photo/s: Screengrab from Anilag concert
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Trisha ang 22-year-old graduating student ng Laguna State Polytechic University (LSPU) na namatay noong Marso 13 dahil sa sunog na nangyari sa nabanggit na paaralan.

Natagpuan ang walang-buhay na katawan ni Trisha sa comfort room sa ikalawang palapag ng gusali ng LSPU at labis na nagdadalamhati ang mga nagmamahal sa kanya dahil sa maagang pagkawala niya.

Si JK ang iniidolo ni Trisha at kung hindi ito namatay, isa siya sa mga nanonood sana ng concert ng sikat na mang-aawit at aktor na gustung-gusto niyang makita nang personal.

Ang mapirmahan ni JK ang mga larawan ni Trisha ang tanging hiling ng pamilya at mga kaibigan nito.

READ: Mga kaibigan ng yumaong beauty queen may hiling kay Juan Karlos

Hindi sila binigo ni JK na inialay rin sa kanyang sumakabilang-buhay na tagahanga ang mga paborito nitong awitin niya.

Bago kinanta ni JK ang "Through the Years," nagsalita muna siya ng “Shit, man! A tragedy happened a few days ago. I think in a school somewhere and, unfortunately, someone named Trisha passed away.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Shit, man, sobrang… I dunno what to say. Ngayon ko lang nakita ang sarili ko sa ganitong sitwasyon.

“Sabi nung family niya, Trisha was a fan of some of the songs that I made, 'tapos there’s this particular song na sobrang gustung-gusto niya. Yun yung cover ko ng 'Through The Years' na ipinakita sa Lolo and The Kid sa Netflix.

“Trisha wanted to go here tonight, kaso lang, you know…Trisha, kung nasaan ka man ngayon, para sa iyo ito.”

Tagos sa puso ang makabagbag-damdaming pagkanta ni JK habang nasa harap niya ang malaking larawan ni Trisha na dala ng isang manonood.

Tumahimik ang lahat at may mga napaluha nang simulan ni JK ang pag-awit ng "Through the Years" na naghatid ng katahimikan at matinding kalungkutan sa paligid dahil sa trahedya na nangyari kay Trisha.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Higit pa sa pagpirma sa mga larawan ni Trisha Macalagay (kanan), hinandugan din ni Juan Karlos (kaliwa) ang yumaong fan ng paborito nitong kanta niya na "Through The Years."
PHOTO/S: Screengrab from Anilag concert / @trishamacalagay Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results