PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Buboy Villar introduces girlfriend, baby boy on 27th birthday

Meet Isay and Baby Kyrie.
by Jojo Gabinete
Published Mar 22, 2025
buboy villar with partner isay sampiano and baby kyrie
Ipinakilala ni Buboy Villar ang partner na si Isay Sampiano at baby nilang si Kyrie sa birthday episode niya para sa Your Honor vodcast.
PHOTO/S: @angguloprints, @_isaysampiano on Instagram

Nagulat, natulala, at pinagpawisan si Buboy Villar nang lumabas na may dalang cake ang kanyang girlfriend na si Khrizza Mae "Isay" Sampiano sa taping ng Your Honor, ang vodcast show ng Kapuso actor kasama si Tuesday Vargas.

Kahapon, Marso 21, 2025, nagdiwang ng 27th birthday si Buboy.

Nagsilbi ring relationship reveal niya ang espesyal na araw.

Buboy Villar and partner Isay Sampiano
Buboy Villar and partner Isay Sampiano
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At may isang pang rebelasyon: may three-month-old son sina Buboy at Isay.

Kahapon din bininyagan ang baby na pinangalanan nilang Kyrie.

Kabilang ang mag-asawang Mikael Daez at Megan Young sa mga ninong at ninang.

Buboy Villar and partner Isay Sampiano with their three-month old baby Kyrie
Buboy Villar and partner Isay Sampiano with their three-month old baby Kyrie

Read:

Buboy Villar thanks pares biz for SUV purchase

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Buboy Villar, hindi threatened sa sumisikat na paresan ni Diwata

Mapapanood ang lahat ng ito ngayong March 22, Sabado ng gabi, sa YouLol Originals YouTube Channel ng GMA-7.

Samantala, nag-post din si Isay sa kanyang Instagram account ng couple at family photos nila ni Buboy.

Saad niya sa caption, "Happy birthday to the guy who still makes me laugh every day! Here’s to another year of blessings ???????? ????: @angguloprints"

Sa Instagram bio ni Isay, nakasaad na isa siyang "public figure."

Ayon pa sa isa niyang post, nagtapos siya ng Bachelor of Library and Information Science sa City College of Angeles, Pampanga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

buboy villar on being friends with ex-partner: "dapat love lang."

Si Kyrie ang pangatlong anak ni Buboy, na merong dalawang supling sa kanyang dating American live-in partner na si Angillyn Serrano Gorens.

Read: Angillyn Serrano Gorens: Buboy Villar's first love

Sina Vlanz Karollyn, 7, at George Michael, 5, ang mga bunga ng pagmamahalan nina Buboy at Angillyn.

Nag-umpisa ang relasyon ng dalawa noong 2015 nung nagkakilala sila sa set ng isang drama series ng GMA-7. Naghiwalay sila noong Oktubre 2020.

Naninirahan na si Angillyn sa Amerika, pero umuwi siya sa Pilipinas noong nakaraang taon para dalawin ang mga anak nila ni Buboy.

Humantong man sa hiwalayan ang kanilang relasyon, nananatiling magkaibigan sina Angillyn at Buboy.

Sa isang panayam, ang sabi ni Buboy, “Bilang nanay siya ng mga anak ko, tatay ako ng mga anak namin, so napagkasunduan namin na no hate to each other.

"Dapat love lang.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinakilala ni Buboy Villar ang partner na si Isay Sampiano at baby nilang si Kyrie sa birthday episode niya para sa Your Honor vodcast.
PHOTO/S: @angguloprints, @_isaysampiano on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results