PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Buboy Villar, hindi threatened sa sumisikat na paresan ni Diwata

Former Tahanang Pinakamasaya host, Buboy Villar, nag-guest sa It's Showtime.
by PEP Troika
Published May 5, 2024
Buboy Villar
Diwata
Hindi raw threat para kay Buboy Villar (kaliwa), na siyang may-ari ng negosyong Paresan ni Bok, ang sumisikat na paresan ni Diwata (kanan) sa Kamaynilaan. Aniya, “Alam niyo po, may napanood ako na sinabi ni Diwata na maging inspirasyon ang tao sa iyo, huwag mong kaiingitan."
PHOTO/S: Gorgy Rula / PAG SURE BA ON TIKTOK

GORGY RULA

Tuluy-tuloy pa rin ang negosyong paresan ni Buboy Villar kahit ang dami nang nagsusulputang mga paresan sa Kamaynilaan.

Buboy Villar

Sabi ni Buboy nang nakatsikahan ng PEP Troika sa media conference ng Running Man Philippines Season 2 nung Sabado, Mayo 4, 2024, may 14 branches na ang Paresan ni Bok na pag-aari niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang iba raw dun ay franchise sa kanya at madadagdagan pa ito.

Hindi niya pinatulan nang slight ko siyang inintriga kung naapektuhan ba siya sa sumisikat lalo na sa paresan ng social media personality na si Diwata.

Read: Meet Diwata, nag-trending sa presinto noon, asensado na ngayon

“Kanya-kanya naman po kasing diskarte iyan. Meron akong napanood na sabi nila, malayo naman yung lugar ni Diwata sa amin,” napapangiting pakli ni Buboy.

Malayo naman daw sa paresan niya ang paresan ni Diwata, na talagang dinadagsa sa isang parking lot sa Pasay City malapit sa Senate building.

Para kay Buboy, hindi threat sa kanyang negosyo ang paresan ni Diwata.

“Alam niyo po, pare-parehas tayong mga Pinoy. Huwag na natin pang… I mean, lagyan ng beef kasi pares na nga yung binebenta nila. Huwag na nating dagdagan pa.

“Maganda yung pamumuhay ng mga tao, marangal. At sa init ng panahon, sikat po ang paresan. Akalain niyo po yun,” saad ni Buboy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nababalitaan nga raw niya itong kay Diwata, at masaya raw siya na nakakapagbigay inspirasyon pa raw si Diwata sa mga taong magsikap lang ay talagang uunlad ka.

“Natutuwa naman po ako na bukod sa paresan ko, of course ang paresan ng iba ay successful sa ganitong panahon. Kahit mataas ang inflation po ay malakas pa rin po.

“Alam niyo po, may napanood ako na sinabi ni Diwata na maging inspirasyon ang tao sa iyo, huwag mong kaiingitan.

“Kung gusto mong kaiingitan, kaiinggitan mo yung kung paano yung kasipagan niya. Iyon po yung gawin niyo,” sabi pa ni Buboy.

RUNNING MAN PH SECOND SEASON

Hindi kumpetisyon kay Buboy itong paresan ni Diwata. Pero pagdating sa pagsali uli ni Buboy sa season 2 ng Running Man PH, matinding kumpetisyon ito sa kanya.

Running Man Philippines season 2 cast

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

(L-R: Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Angel Guardian, Glaiza de Castro, Mikael Daez, Lexi Gonzales, Buboy Villar)

Ini-enjoy niya ang mga mission na pinaglabanan nilang runners, kaya karamihan sa mga nakakasama niya ay si Buboy ang itinuturing nilang threat.

“Simula po kasi nung nawala si Ruru [Madrid], medyo po na-threaten po sila sa akin,” pabirong sagot ni Buboy.

Magsisimula na itong season 2 ng Running Man PH sa Mayo 11 at 12.

Sa darating na Sabado, Mayo 11 ay papalitan nito ang timeslot ng Daig Kayo ng Lola Ko.

Ngayong Linggo ng gabi ay matatapos na ang Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, at ito ang papalitan ng Running Man PH sa Mayo 12.

Read: Running Man Philippines Season 2 kabilang sa mga bagong GMA-7 shows ngayong 2024

JERRY OLEA

Ipinagkibit-balikat na lamang ni Buboy kapag iniintriga ang Paresan ni Bok niya sa paresan ni Diwata.

Tinanong siya ng PEP Troika kung tatanggapin ba niyang mag-paresan challenge sila ni Diwata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maglaban sila sa pasarapan ng pares, tatanggapin kaya niyang ilaban ito sa pares ito ni Diwata?

“Bakit pasarapan? Bakit hindi na lang kami magpakain sa mga taong deserve na pakainin ng pares, kesa magpasarapan? Feeling ko, mas okay po yun. Sa tingin niyo po?

“Kasi kung pasarapan ang labanan, baka paramihan na po ng MSG ang kalalabasan niyan!” pakuwelang sagot ni Buboy.

“So, dapat gawin, kapag may sobra, ibigay na lang sa mga taong nagugutom.

“Imbes na magkaroon ng kumpetensiya na ‘mas masarap ‘to.’ Kasi, tayo rin po, naglalaro sa kanilang mga utak. So, magpakain na lang tayo, mas maganda,” napapangiti pa niyang pahayag.

NOEL FERRER

Hindi naman daw kailangang magkaroon lagi ng kumpetisyon para kay Buboy, kahit sanay naman siyang laging nakipaglaban sa buhay.

“Bago naman ako magparesan, sa buhay lumalaban naman po ako, e. Pagdating naman po sa business, always stay happy at consistent ka, happy ka at magpabusog ka sa mga tao, that’s it!” sambit ni Buboy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RUNNING MAN CAST IN IT'S SHOWTIME

Nung Sabado ay nag-guest sa It’s Showtime si Buboy kasama ang iba pang mga runners na sina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Miguel Tanfelix, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos at Angel Guardian para i-promote ang Running Man PH.

running man ph cast it's showtimeRunning Man Philippines cast with It's Showtime hosts

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ba nakaramdam ng lungkot si Buboy na umapir na siya ngayon sa dating katapat ng noontime show niyang Tahanang Pinakamasaya?

Read: Tahanang Pinakamasaya officially goes off the air

“Ako naman po, hindi nanghihinayang. Siyempre po nandun pa rin po yung sad part. Pero at the end of the day, kailangan nating maging masaya. Piliin nating ngumiti palagi.

“Lalo kanina, sumampa kami sa stage ng Showtime. Isang malaking achievement para sa akin dahil kasama ko yung runners para i-promote ang Running Man Philippines.

“Wala namang problema kasama ang Running Man, kaya dun pa lang panalo na ako,” saad ni Buboy.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi raw threat para kay Buboy Villar (kaliwa), na siyang may-ari ng negosyong Paresan ni Bok, ang sumisikat na paresan ni Diwata (kanan) sa Kamaynilaan. Aniya, “Alam niyo po, may napanood ako na sinabi ni Diwata na maging inspirasyon ang tao sa iyo, huwag mong kaiingitan."
PHOTO/S: Gorgy Rula / PAG SURE BA ON TIKTOK
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results