PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kathryn sexy birthday photo shoot, pinusuan ng mahigit 1 million

Kathryn Bernardo sexy birthday photo shoot, pinagdebatehan ng kanyang fans.
by Jojo Gabinete
Published Mar 27, 2025
kathryn bernardo photo shoot
Kathryn Bernardo commemorates her 29th birthday on March 26 with a sexy pictorial that she posted on Instagram.
PHOTO/S: @bernardokath on Instagram

Pinusuan ng mahigit sa isang milyon at inaasahang tataas pa ang bilang ng mga natuwa at tanggap na tanggap ang birthday photo shoot ni Kathryn Bernardo.

Ibinahagi ito ng Kapamilya star sa kanyang Instagram page para sa pagdiriwang ng ika-29 kaarawan niya noong Miyerkules, Marso 26, 2025.

Ginulat ni Kathryn ang publiko at ang mga tagahanga niya dahil seksing-seksi siya sa kanyang suot na itim na skimpy black bikini.

Ito ang unang pagkakataong nakita ang aktres sa ganoong klase ng kasuotan.

Read: Kathryn Bernardo admits to experiencing quarter-life crisis

kathryn bernardo birthday photoshoot
Kathryn Bernardo turned 29 on March 26.
Photo/s: @bernardokath on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
kathryn bernardo birthday photo shoot
Kathryn Bernardo is considered one of the top actresses in the Philippines.
Photo/s: @bernardokath on Instagram
kathyn bernardo birthday photo shoot
Kathryn Bernardo was the finale at the Body of Work: The Bench Show last week.
Photo/s: @bernardokath on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mga kapwa-artista ni Kathryn ang ilan sa mga pumuri sa mapangahas na birthday pictorial na inilabas niya, ilang araw matapos ang kanyang pinag-usapang pagrampa sa Body of Work: The Bench Show na naganap noong Marso 21 sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Read: Body of Work: The Bench Show highlights and sidelights

IS KATHRYN READY FOR MORE DARING PROJECTS?

“What a great version of the birthday suit," "stunning," at "sobrang happy birthday naman" ang ilan sa mga papuring natanggap ni Kathryn dahil sa kanyang “naglalagablab” na sexy pictorial.

Tila hudyat itong handa na siyang tumanggap ng mga matatapang at mapangahas na karakter sa pelikula.

Kung may mga natuwa at pumuri kay Kathryn, naging dahilan din ng balitaktakan ng mga tagahanga ang mapupusok na larawan niya.

May mga nagkomentong walang dahilan para magpaseksi si Kathryn sa mga photo shoot dahil mas gusto nilang manatili ang “wholesome image” ng aktres, pero higit na nangibabaw ang pagtatanggol sa kanya ng karamihan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Para sa mga tagapagtanggol ni Kathryn, "classy pictorial" ang kanyang ginawa.

Nasa wastong edad na raw siya para magdesisyon kung paano niya gustong maging makasaysayan at hindi malilimutan ang pagdiriwang ng kanyang ika-29 kaarawan.

Read: PEP Most Influential 2024 Sure Bet: Kathryn Bernardo

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kathryn Bernardo commemorates her 29th birthday on March 26 with a sexy pictorial that she posted on Instagram.
PHOTO/S: @bernardokath on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results