PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vic Sotto, tinawag na "susunod na Presidente" ang anak na si Vico

Mayor Vico Sotto: "Huwag na nating pansinin, baka na-carry away lang.”
by Jojo Gabinete
Published Mar 29, 2025
vic sotto & vico sotto
Vic Sotto (left) introduces son Pasig City Mayor Vico Sotto (right) as the next President of the Philippines during the kick-off event of Giting ng Pasig on March 28, 2025.
PHOTO/S: Twitter

“Huwag na nating pansinin yon. Huwag na nating pansinin, baka na-carry away lang.”

Ito ang reaksiyon ni Pasig City Mayor Vico Sotto tungkol sa ginawang pagpapakilala sa kanya ng tatay niyang si Vic Sotto sa unang araw ng opisyal na pangangampanya ng mga kandidato para sa local elections nitong Biyernes, Marso 28, 2025.

Naganap ang kick-off ng Giting ng Pasig — ang tawag sa team ni Vico — sa Mega Market ng siyudad na kanyang pinamamahalaan.

Muling kumakandidato si Vico para sa kanyang ikatlong termino bilang alkalde ng Pasig City.

Read: Mayor Vico Sotto shows safety hazards inside Pasig City Hall

“Heto na po, ipakikilala ko na po. Alam ninyo naman siguro kung kanino nagmana, kanino pa, e, di sa nanay.

“Ayan na po ang susunod na presidente ng Pilipinas, Mayor Vico Sotto!” pagpapakilala ni Vic sa anak nila ni Coney Reyes.

@kayvicosottotayo .. this young man will be the next President of the Philippines.. ???????? Mayor Vico Sotto ???? #MayorVico #TuloyAngAgos #IbaNaman #IbaNaNgayon #UmaagosAngPagasa #AstigAngPasig #mayorvicosotto #pasigcity #vicosotto #gitingNgpasig ? original sound - Kay Vico Sotto Tayo

Tumanggap ng malakas na hiyawan at palakpakan mula sa Pasigueños ang sinabi ni Vic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang si Vico naman ay natawa, napailing, at nagtakip ng mukha na tila nahihiya nang marinig nito ang pahayag ng kanyang ama.

vico sotto giting ng pasig
Mayor Vico Sotto's reaction to his dad Vic Sotto's introduction.
Photo/s: Facebook

Maaaring pabiro ang salitang binitiwan ni Vic, pero marami ang naniniwalang malaki ang tsansang maging Pangulo ng bansa si Vico sa mga darating na panahon dahil sa ipinamamalas niyang serbiyso sa mga mamamayan ng Pasig City.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Vico Sotto, wagi ulit para sa second term niya bilang mayor ng Pasig City

VIC SOTTO INTRODUCES SON VICO SOTTO

Ito ang unang bahagi ng pagpapakilala ni Vic kay Vico: “Sa mga Pasigueño, gusto ko po kayong i-congratulate dahil dito sa lungsod ng Pasig, sa ating minamahal na lungsod, napatunayan natin sa buong bansa na kaya nating labanan at sugpuin ang kurapsyon.

“Kayo ang aking binabati kasi kayo po ang nagluklok sa mga magigiting na tao na nasa harap ninyo.

"Kaya sa darating na Mayo, e, huwag na tayong bumalik sa mga lumang style ng pulitika, style na bulok.

“Pulitikang may panunuhol, pulitikang may pananakot, pulitikang puro kasinungalingan.

“Sa katunayan marami na ang naiinggit sa lungsod ng Pasig. Ang dami kong nakausap, 'Boss, sana sa Pasig ako nakatira. Next year, lilipat na ako ng Pasig dahil maganda ang takbo ng gobyerno ng Pasig.'

"Ika nga, yung tinatawag nila at pinag-uusapan ng ating mga magigiting na konsehal, vice-mayor, congressman, yung good governance.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinatawa naman ni Vic ang mga tao nang ipaliwanag niya ang kahulugan ng good governance.

Sabi niya: “Ano po ba yung good governance? Ipapaliwanag ko po sa inyo. Makinig ho kayo. Ang good governance ay governance na good!

“Pero kulang. Dito sa Pasig, hindi lang good governance.

"Gusto kong dagdagan ito, very, very good governance, kaya mag-ingat po tayo. Samahan po natin ng dasal.

“Sa darating na Mayo, ipagpapatuloy natin ang laban na nasimulan natin dito sa Pasig.

“Mabuhay kayong mga Pasigueño, I am very proud of you."

Naging isyu ang "good governance" dahil sa isang panayam ng katunggali ni Vico na si Sarah Discaya ay sinabi nitong masyadong naka-focus si Vico sa "good governance" nang tanungin kung ano ang nakikita niyang kulang sa lungod ng Pasig.

Pahayag ni Discaya: "Siguro kasi, I think the mayor focus more on good governance. Medyo napabayaan yung health sector, ibang sectors like education.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, yung siguro ang ano... I know from social media talaga na very popular si Mayor Vico.

"Pero talagang going down, sa laylayan lalo, medyo dun tayo may konting problema."

Read: Coney Reyes on prodding Mayor Vico about love life: “Ayoko na.”

Notice: This article falls under promotional material for a candidate running in the 2025 election.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vic Sotto (left) introduces son Pasig City Mayor Vico Sotto (right) as the next President of the Philippines during the kick-off event of Giting ng Pasig on March 28, 2025.
PHOTO/S: Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results