Mainit ang pagtanggap ng mga tao kay Alden Richards nang rumampa siya sa Body of Work: The Bench Show na ginanap sa Mall of Asia Arena, Pasay City, noong Marso 21, 2025.
Pero lingid sa kaalaman ng marami, matindi ang kabang nararamdaman niya noong gabing iyon.
“Malala po kasi first fashion show ko po yon,” sabi ni Alden nang itanong sa kanya ng Cabinet Files ang pakiramdam niya nang maghubad siya ng suot na pang-itaas sa malawak na entablado ng Mall of Asia Arena.
“After eight years, ako po yung ginawang opening.
"First, thankful po ako kay Sir Ben Chan and the team for the opportunity.
"But nakaka-pressure po siya kasi everyone was expecting so much of me because I’m gonna be opening the show.”
Read: Body of Work: The Bench Show highlights and sidelights

THE STORY BEHIND ALDEN'S OUTFIT
May paliwanag din si Alden tungkol sa kahalagahan at kahulugan ng kasuotan niya nang rumampa siya sa Body of Work.
May kinalaman ito sa kanyang tukayong si Richard Gomez — Richard Faulkerson ang tunay na pangalan ni Alden.

Kuwento niya: “Actually, the night before ko pa lang nalaman kung ano po yung segment ko and kung ano yung tribute, kung anong essence ng damit ko.
“So that’s a [1989]… the first-ever campaign of Bench, for Kuya Richard Gomez.
"So, yun ang suot niya habang nagsasagwan. So, nakadagdag pa po sa pressure, talaga naman.
“Kaya sabi ko talaga, pag-uwi ko sa bahay, sinilip ko yung katawan ko, ‘Ano, kaya mo ba? Sige, laban na yan, hubarin mo na yan bukas!’”
Read: KathVid, KathDen, at mga tinilian sa Body of Work: The Bench Show
Ang tinutukoy ni Alden ay ang kauna-unahang TV commercial ng Bench noong 1989.
Tampok dito si Richard, na nakasuot ng puting sando, habang nagsasagwan ng bangka.
Pinamagatan itong "Sculler," na tumutukoy sa taong may hawak ng oars o sagwan ng bangka.
ALDEN PROMISES LESS CLOTHES IN NEXT BENCH FASHION SHOW
Grabe ang reaksiyon ng mga tao sa pagrampa ni Alden, pero grabe rin daw ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.
“Grabe rin po yung excitement ko kasi for some reason, paggising ko sa umaga, ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
“Tapos very excited akong pumunta sa venue to rehearse.
"Sabi ko, 'Let’s go. This is my first fashion show. Let’s go!’
“Nag-gym pa ako. Sabi ko, 'Coach, kita tayo mamaya doon ha?'
“Tapos nagpagupit ako so medyo palung-palo po talaga ako noong araw na yon.
"But the experience was surreal. I think I would consider it as one of the highlights of my year today, and I am just so happy I did it.”

Tinanong si Alden kung ano ang susunod niyang ipapakita sa fashion show ng clothing company na kanyang iniendorso.
“Siyempre, yung next hindi na ganoon kalaki yung saplot.
“Hindi naman puwedeng naghubad ka na tapos susunod hindi ka maghuhubad.
"Sa susunod naman, sapatos naman ang mawawala para every year may matatanggal!” natatawang sabi ni Alden nang makaharap at makausap siya ng entertainment press sa contract signing ng pakikipag-sanib puwersa sa Viva Group of Companies ng kanyang events at production company, ang Myriad Entertainment Corporation.
Read: Alden Richards, nakipagsanib-puwersa sa Viva Group of Companies