Stars On the Floor ang pamagat ng bagong programa ng GMA-7; at si Alden Richards, 33, ang host ng dance show para sa mga artista at social media influencer.
Nahasa na si Alden sa mga hosting job niya sa Bet ng Bayan (Oktubre 2014-Disyembre 2014), Centerstage (Pebrero 2020- Hunyo 2021), at Battle of the Judges (Hulyo 2023- Setyembre 2023) na pawang mga reality competition show ng Kapuso Network.
Makakasama ni Alden sa Stars On the Floor sina Marian Rivera, Pokwang, at ang choreographer na si Jay Joseph Roncesvalles bilang mga hurado ng na dance program.
Limang mga contract star ng GMA-7 at limang social media influencers ang mga kalahok sa upcoming dance competition show at ipakikilala sila sa mga susunod na araw.
Eere ang show tuwing Sabado, simula sa Hunyo 28, 2025,
Si Johnny Manahan ang creative director ng Stars on the Floor, habang si Miggy Tanchanco ang direktor.
Nangyari noong Miyerkules, Abril 23, 2025, ang taping para sa pilot episode ng programa.
Unang napabalitang kasali si Mark Herras sa Stars on the Floor, pero sa hindi pa malamang dahilan, wala na siya sa listahan ng mga celebrity contestant.
BOSS ALDEN
Ang Stars on the Floor ay isa lamang sa maraming proyekto ni Alden para sa 2025.
"Boss Alden" na ang tawag sa kanya dahil sa partnership niya sa Viva Communications bilang producer, aktor, at recording artist.
Natatawa si Alden kapag tinatawag itong "Boss Alden" ng entertainment press na natutuwa para sa bagong kabanata ng kanyang buhay bilang negosyante at may-ari ng Myriad Entertainment Corporation.
Noong Marso naganap ang contract signing niya kasama si Boss Vic del Rosario ng Viva.
Kasama rito ang partnership ni Alden sa Viva Foods International, na makakatuwang ni Alden sa pagbubukas sa mga mall ng Concha's, ang Filipino restaurant na pag-aari ng aktor.
Read: Alden Richards, nakipagsanib-puwersa sa Viva Group of Companies
ALDEN RICHARDS on flying lesson, biking
Bukod sa trabaho, pursigido rin si Alden sa pag-pursue ng iba-iba niyang passion.
Ngayong Biyernes ng gabi, Abril 25, ibinahagi ni Alden sa Facebook page nito ang mga larawang kuha sa tanggapan ng Alpha Aviation Group.
Ito ang pilot training school na nagbigay ng scholarship para matupad ang kanyang pangarap na makapagpalipad ng eroplano.
"Reaching new heights, one flight at a time" ang caption ni Alden sa mga larawan nito.

Ang pagiging piloto ay pangarap ng kanyang ama na hindi natupad kaya siya ang magpapatuloy.
Nitong nagdaang ilang araw ay ibinabahagi rin ni Alden ang pagkahilig niya sa biking na hudyat daw ng simula ng bagong "era" sa buhay niya.
Isa ito sa mga nagbibigay-inspirasyon sa kanya ngayon.
Sabi sa isa niyang caption, "Never felt so alive…"
