PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bela Padilla, balik-Pilipinas matapos ng limang taon sa London

Bela Padilla, nabuyo ng mga kaibigan kaya nagdesisyong bumalik sa Pilipinas.
by Jojo Gabinete
Published Jun 13, 2025
bela padilla with sunglasses
Bela Padilla on her life in London: “It’s nice to expose yourself also to different parts of the world. Marami ka talagang mabibitbit at maiuuwi. Ang dami ko rin nakilalang mga Pinoy, working in London.... It’s very interesting, I have a different perspective in life now. Tapos sa London, ang creative ng mga tao. So, feeling ko, madadala ko siya sa trabaho ngayon.”
PHOTO/S: @bela on Instagram

Kasagsagan ng pandemic noong Hulyo 2020 nang magdesisyon si Bela Padilla na manirahan nang permanente sa London, England.

Bumabalik lamang siya sa Pilipinas para sa kanyang mga product-endorsement shoots at media conferences.

Pero sa tuwing may mga pelikula si Bela na ipalalabas sa mga online streaming platform o sinehan, sinisiguro niyang nakadadalo siya sa presscon sa pamamagitan ng Zoom.

Read: Bela Padilla now based in the UK

Limang taon matapos magpasyang lumipat sa London, bumalik si Bela sa Pilipinas.

Ayon sa aktres, ang mga kaibigan niya ang kumumbinsi sa kanyang muling manirahan sa bansa.

“Yes. I am back. Nabuyo ako ng mga kaibigan.

"Napagod na rin ako, so ngayon, I’m back," pag-amin ni Bela sa Cabinet Files.

Nakausap namin siya sa look-test session nila nina Kyle Echarri at JC Santos para sa pelikulang 100 Awit Para Kay Stella, ang sequel ng 2017 sleeper hit na 100 Tula Para Kay Stella.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
100 awit para kay stella
Bela Padilla, Kyle Echarri, and JC Santos during their look test for 100 Awit Para Kay Stella.
Photo/s: Viva Films

TAKEAWAYS FROM HER LIFE IN LONDON

Ano ang mga natutunan niya sa matagal na paninirahan sa London?

“Marami!” sagot ni Bela.

“It’s nice to expose yourself also to different parts of the world. Marami ka talagang mabibitbit at maiuuwi.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ang dami ko rin nakilalang mga Pinoy working in London. Ang dami kong naging friends na OFW.

"It’s very interesting, I have a different perspective in life now.

“Tapos sa London, ang creative ng mga tao. So, feeling ko, madadala ko siya sa trabaho ngayon.”

Nahirapan daw si Bela sa paglilipat ng mga gamit niya mula London, pabalik ng Pilipinas.

JC CONVINCES BELA TO LIVE ABROAD

Si JC ang isa sa mga nagkumbinsi kay Bela noong 2017 na subukang manirahan sa ibang bansa, at hindi ito itinanggi ng aktor.

Kuwento ni JC: “Lagi kong sinasabi, tuwing lumalabas ka ng bansa, mas lumalalim yung art mo.

"Kasi mas malalim yung pang-unawa mo, yung appreciation.

“Lagi kong inire-recommend yon sa friends ko.

"Sabi ko, 'Stay out of your comfort zone. Explore.'

"Lalo na sa mga artist, kailangan nating ma-expose sa mga bagay na hindi tayo komportable.”

Kinumpirma naman ito ni Bela.

Pagbabalik-tanaw ng aktres: “2017 pa lang, sinasabihan na ako ni JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi dati ko pang gustong tumira elsewhere, not necessarily London, but somewhere else.

“Sabi ni JC, 'Gawin mo na yan. Madali lang, kaya mo yan.’

“So, palagi ko siyang tinatanong, ‘Paano? Nalungkot ka ba?’

“Tapos nung una akong lumipat sa London, ‘Malungkot ba nung first year mo? Parang ngayon, wala pa naman akong nararamdaman.’

"So, lagi akong nagtse-check sa kanya."

Read: Bela Padilla, sentimental na binalikan ang six-year friendship nila ni JC Santos

BELA'S PROJECTS AFTER HER RETURN

Nagkaroon agad ng acting assignment si Bela nang bumalik sa Pilipinas dahil napanood siya sa isang kabanata ng drama anthology na MMK (Maalaala Mo Kaya).

Magsisimula naman sa Hunyo 16 ang shooting nila nina Kyle at JC para sa 100 Awit Para Kay Stella.

Nakalinya na rin ang ibang mga proyekto ni Bela.

Si Carlo Aquino ang leading man niya sa isang pelikula.

Si Piolo Pascual naman ang makakatambal niya sa proyektong hindi pa masimulan dahil hindi pa natatapos ni Bela ang pagsusulat ng script.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“End of the year pa," pagtukoy ng actress-writer sa movie nila ni Piolo.

"Hindi pa kami nag-start. My fault, hindi ko pa tapos yung skrip.”

Bigla namang nagbago ang reaksiyon ni Bela nang tanungin kung “ready to mingle” na siya.

“Sa next interview na ‘to,” pag-iwas ni Bela, na tila pahiwatig sa kinahinatnan ng pakikipagrelasyon niya sa kanyang Swiss-Italian boyfriend na si Norman Bay.

Read: MC and Lassy also missing in action at Vice Ganda’s comedy club

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bela Padilla on her life in London: “It’s nice to expose yourself also to different parts of the world. Marami ka talagang mabibitbit at maiuuwi. Ang dami ko rin nakilalang mga Pinoy, working in London.... It’s very interesting, I have a different perspective in life now. Tapos sa London, ang creative ng mga tao. So, feeling ko, madadala ko siya sa trabaho ngayon.”
PHOTO/S: @bela on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results