Ginugunita ngayong Linggo, Hunyo 15, 2025, ang Father's Day kaya tumatanggap ng pagbati ang mga tatay mula sa mga anak at mahal sa buhay.
Kabilang ang aktor at former Child Wonder na si Niño Muhlach sa mga bumati ng “Happy Father’s Day” sa kanyang mga kapwa ama, sa pamamagitan ng isang social-media post na tampok ang larawan nila ng mga anak na sina Sandro at Alonzo.
Nakasaad sa text na nasa photo, "Happy Father’s Day Sa Lahat ng Erpats."
Read: Carlo Acutis to be declared a saint in September 2025

Nino Muhlach on son Sandro Muhlach's Ordeal
Hindi lamang ang mga tatay ang binati ni Niño.
Sa panayam ni Niño sa Cabinet Files ngayong araw, nagbigay-pugay siya kay Sandro, ang anak na naghain ng reklamo sa diumano'y pang-aabuso ng dating GMA-7 independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Dode Cruz.
Pahayag ni Niño: "I am so proud of Sandro dahil lumaki siyang mabait, magalang, may takot sa Diyos, at very down to earth. Napakabait niya, walang bisyo, hindi mabarkada, at very family oriented."
Ang panalangin niya: "I pray that he gets the justice he deserves."
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkuwento siya tungkol sa pinagdadaanan ng kanyang anak, na nag-24th birthday nitong June 14.
"Hanggang ngayon kasi, every time na may hearing, siyempre, naaalala niya yung mga nangyari, lalo na nung siya ang umupo sa witness stand.
"Habang nakaupo yung dalawa [Nones at Cruz ] sa harapan niya, kita at ramdam mo talaga ang pain sa mata niya.
"Sana, in God’s time matapos na iyang kaso na iyan."
Ang huling update: nitong Pebrero, na-dismiss ang acts of lasciviousness complaint sa Metropolitan Trial Court of Pasay City dahil mayroon nang ongoing rape through sexual assault case na isinampa sa Department of Justice (DOJ).
Read: Victor Neri finishes law degree at 49
Nino Muhlach on CAREER OPTION FOR son Sandro
Dagdag ni Niño: "I will always support Sandro kung ano man ang talagang gusto niya na gawin.
"Puwede naman siyang mag- full time sa Muhlach Bakery as marketing head, pero gusto talaga niya na mag-artista.
"So, I just hope he gets the right break at the right time.”

Nauna namang bumati si Sandro ng Happy Father’s Day sa tatay niya sa panayam sa ng Cabinet Files noong Sabado, Hunyo 14.
Sinabi ni Sandro na napakasuwerte niya dahil si Niño ang kanyang daddy.
Nagpasalamat din siya sa unconditional love at lahat ng mga ginagawa ng ama para sa kanila ng kanyang kapatid na si Alonzo.
ANG PANIG NG MGA AKUSADO
Sa kabilang banda, naninindigan sina Jojo Nones at Richard Dode Cruz, ang mga akusado, na walang nangyaring pang-aabuso.
Kasama sa kanilang mga katibayan ang findings ng medico-legal officer na nagsasabing walang drugs sa system ni Sandro nang eksaminin ito.
Salungat ito sa sinasabi ni Sandro na siya ay drugged kaya hindi siya nakapanlaban.
Sa examination din ni Sandro, isa pang finding ng medico-legal officer ay walang punit o tear o laceration ang kanyang private part.
Salungat din ito sa sinasabi ni Sandro na siya ay pinagsamantalahan nang sapilitan o pwersado ng dalawang akusado.
Sa ngayon ay patuloy ang paglilitis ng kaso.