Labing-isang taon na ang nakararaan mula nang talikuran ni Jewel Mische ang showbiz matapos magpakasal sa kanyang American husband na si Alex Kurzer.
Nanirahan sila sa Michigan, USA.
Biniyayaan ng tatlong anak na babae — na may edad na 7, 5, at 3 — ang pagsasama nina Jewel at Alex.
Noong Oktubre 2024, bumalik sila sa Pilipinas at nanirahan sa Davao dahil sa kanilang gold business.
Read: Jewel Mische chooses not to get pregnant for the 4th time "just to try for a boy"
Sa panayam ng Cabinet Files kay Jewel nitong Miyerkules, Hunyo 25, 2025, sinabi niyang wala sa plano nila ni Alex ang manatili sa Pilipinas.
Pero ito ang itinadhana ng Panginoong Diyos kaya hindi niya masabi kung hanggang kailan sila mananatili sa bansa.
Dahil walang katiyakan ang pamamalagi nila sa Pilipinas, handang tumanggap ng mga acting assignment si Jewel.
Pero depende raw sa proyekto at karakter na gagampanan niya.
Read: RaWi claims second spot in Big 4 of PBB Celebrity Collab
JEWEL MISCHE ON PAULO AVELINO
Matapos ang matagal na paninirahan sa Amerika, muling napanood si Jewel sa telebisyon dahil siya ang panauhin sa Fast Talk With Boy Abunda kahapon, June 25.
Dito ay ibinahagi ni Jewel na muntik na silang magkaroon ng relasyon noon ni Paulo Avelino.
Sina Jewel at Paulo ay naging contestants sa reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck Season 4 (2006-2007).
Sixteen years old lang noon si Jewel, at 18 years old naman si Paulo.
Si Jewel ang itinanghal na Ultimate Sweetheart, habang si Paulo ay hindi nakaabot sa finals night.

Tinanong ng host na si Boy Abunda si Jewel tungkol sa mga nanligaw sa kanya noon.
Sagot niya: “Medyo ilan-ilan sa kanila ang nag-show ng interes, pero yung seryoso talaga was Paulo.
“Naging kami rin yung naging close. Siya talaga yung tagapagtanggol ko that time. Siya yung talagang naka-close ko.”
Naging magka-loveteam din sila ni Paulo sa ibang mga programa noon ng Kapuso Network, pero hindi naging opisyal ang kanilang relasyon.
Mabilis ang pagbanggit ni Jewel sa pangalan ni Paulo nang itanong ang artistang muntik nang maging boyfriend niya.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na matagal na nakarelasyon ni Jewel si Richard Gutierrez, pero hindi binanggit ang pangalan ng aktor sa panayam sa kanya sa Fast Talk.
"JEWEL, THE GOLD DIGGER"
Sa kasalukuyan ay naninirahan sa Davao ang pamilya ni Jewel dahil sa kanilang negosyong may kinalaman sa ginto.
Saad niya: “I am a person who always seek for the deeper meanings of life and the profound aspects of God.
"Those are my golden treasures — my encounters and my relationship with the Lord and just learning about life.
“Magiging negosyo yan [gold]. We’re into it right now, part of the reason why we’re in the Philippines.
"Did you know that the Philippines is the Land of Ophir, in the Bible? I quietly strongly believe.
"That’s one of the reason why I’m back. I wanna dig more into that.”
Nais daw makilala ni Jewel bilang "Jewel, The Gold Digger."
Nabanggit sa Book of Genesis ng Old Testament ng Holy Bible ang Land of Ophir bilang lugar na kilala sa pagkakaroon ng ginto na hindi tiyak kung nasaan.
Pero may mga haka-hakang maaaring ito ay nasa Arabia, East Africa, India, o sa Pilipinas.
Read: Blind item: Dalawang aktres, trying hard sa pagiging Inglesera