PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Emil Sumangil is back; absence from TV explained

"Nasa ligtas po ako na kalagayan..."
by Jojo Gabinete Additional text: Karen Pagsolingan
Published Jul 13, 2025
Emil Sumangil reappears after expose on Missing Sabungeros
Nasilayang muli ng publiko si Emil Sumangil sa dalawang videos na inilabas ng GMA Public Affairs kahapon, July 12, 2025.
PHOTO/S: Screen Grab from GMA Public Affairs video on Facebook

Nasilayan ulit ng publiko si Emil Sumangil kahapon, Sabado, Hulyo 12, 2025, sa dalawang videos na ni-release ng GMA Public Affairs sa Facebook.

Sa unang video, nagpasalamat siya sa suporta at malasakit ng mga kababayan.

Sa pangalawang video, nag-imbita siya sa viewers na panoorin ang special report ng Resibo tungkol sa mga nawawalang sabungero.

Read: Misis ni Emil Sumangil, nanawagan ng dasal para sa 24 Oras anchor

EMIL SUMANGIL'S ABSENCE explained

Matatandaan na noong July 4, humingi ng panalangin ang kanyang asawang si Michelle Tolentino Sumangil pagkatapos umere ang explosive at exclusive interview ni Emil sa whistleblower na si Julie Patidongan tungkol sa mga nawawalang sabungero.

Ilang araw ding hindi napanood si Emil sa prime-time news program ng GMA-7 kaya nabahala ang mga tagasubaybay ng 24 Oras, pati na rin ang mga kaibigang hindi siya makontak.

Sinabi ni Emil sa unang video na walang dapat ipag-alala dahil buhay na buhay siya, at nagbakasyon lamang nitong mga nakaraang araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Suot ang navy blue jacket, aniya: "Taos sa puso, ako po ay nagpapasalamat, kasama na ho ang aking mga kasama dito sa GMA Public Affairs, sa Resibo, at siyempre sa GMA Integrated News dahil ho sa pagpapadala ninyo ng mensahe sa inyong lingkod, kinakamusta ako, kung nasaan daw ho ba ko at nawala ako sa ilang programa.

"Ako’y nagbakasyon lamang at kabaligtaran sa mga ilang naglabasan sa social media, ako po ay buhay na buhay.

"Pero ang mensahe na ito ay para sa inyo."

At sa gitna ng pag-aalala ng mga tao sa kanyang kaligtasan, nangako si Emil na gagawin nito ang nararapat para sa bayan.

Sa pagpapatuloy ng kanyang mensahe:

“Nais ko pong magpasalamat dahil yung pag-aalala ninyo ay talaga naman hong nakakataba ng puso.

"Nasa ligtas po ako na kalagayan, sa awa at sa kalooban ng mahal na Diyos Ama.

"Gagawin ko po ang nararapat para ho sa ating mga kababayan, alinsunod po sa utos ulit ng ating mahal na Diyos Ama."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

EMIL SUMANGIL'S SPECIAL REPORT ON missing SABUNGEROs

Ang pangalawang video ay pag-iimbita sa viewers para panoorin ang investigative public service show ng GMA-7 na Resibo: Meron o Wala.

Ito raw ay "malalimang pag-iimbestiga" sa kaso.

July 2 nang pangalanan ni Patidongan ang negosyante at gambling tycoon na si Charlie "Atong" Ang bilang "mastermind" umano sa pagkawala ng mahigit 100 sabungero noong 2021.

Idinawit din ni Patidongan ang aktres na si Gretchen Barretto at ilang miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Read: Atong Ang, Gretchen Barretto tagged in missing sabungeros case

Kinabukasan, July 3, dinenay ni Atong ang mga alegasyon ni Patidongan, at inakusahan ng hindi balanseng pamamahayag ang GMA Integrated News.

Read: Atong Ang denies "mastermind" tag in missing sabungeros case

Nitong July 11, nakuha ng mga miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ilang sakong naglalaman ng mga buto sa Taal Lake sa Laurel, Batangas.

Ang search and retrieval operations na ginawa ay base sa lokasyong itinuro ni Patidongan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mamayang hapon, 2:45 P.M., eere sa GMA-7 ang special report ni Emil.

Pagtatapos niya sa 21-second TV plug, "Mag-ingat palagi."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nasilayang muli ng publiko si Emil Sumangil sa dalawang videos na inilabas ng GMA Public Affairs kahapon, July 12, 2025.
PHOTO/S: Screen Grab from GMA Public Affairs video on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results