Accidental mistake ang posibleng nangyari sa telecast ng TiktoClock noong Biyernes, Hulyo 11, 2025.
Ito ay ayon sa dalawang television directors mula sa ABS-CBN at GMA-7 na kinausap ng Cabinet Files.
Ang TiktoClock ay isang variety show ng GMA-7 na umeere bago ang It’s Showtime!.
Read: OG F4 from Meteor Garden reunites on stage after 12 years
ANC and GMA-7 COLLAB?
Noong Biyernes, nagulat ang manonood ng early-morning show ng Kapuso Network dahil biglang ipinakita ang isang set na may logo ng ANC, GMA-7, at ABS-CBN.
Nakababad lang dito ang screen sa loob ng limang segundo bago may dumating na lalaking inayos ang upuan.

Pitong segundo lang ang clip, pero agad na nai-record ito ng mga televiewers na may mabibilis na mata at kamay.
May mga nag-post din sa X (dating Twitter), at pabirong tinawag na bagong collaboration ito ng GMA-7 at ABS-CBN pagkatapos ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.
May netizen ding nagsabi na "nangangapit-bahay" ang ANC sa Kapuso network.
Read: Mika Salamanca donates PHP1M PBB prize to orphanage
Pero ano nga ba ang nangyari?
Ayon sa isang direktor, posibleng may nagkamali.
"Negligence ang term diyan dahil hindi iyan dapat nangyayari... kasi hindi naman mag-isang gagalaw ang switcher kung walang magpipindot sa button."
Para naman sa isa pang direktor, "accidental shared broadcast" ang naganap dahil aksidenteng napaaga ang pagpindot sa switcher para sa pagpasok ng It's Showtime!, na mapapanood pagkatapos ng TiktoClock.
Tingin niyo?
Antayin na lang ang opisyal na paliwanag ng GMA-7 tungkol dito.
Ang set pala ay para sa Dateline Philippines, ang pangtanghaling newscast ng ANC, na news channel ng ABS-CBN.
Nasilayan ito sa kauna-unahang pagkakataon sa GMA-7.