PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andres Muhlach, tinilian nang husto sa Vivarkada fancon

Napakainit ng pagtanggap ng kanyang mga tagahanga kay Andres.
by Jojo Gabinete
Published Aug 16, 2025
Andres Muhlach
Dumagundong sa hiyawan at palakpakan ang Araneta Coliseum nang sumampa na sa entablado si Andres Muhlach at simulang awitin ang cover version niya ng Hotdogs 1970s hit song na "Ikaw Ang Miss Universe ng Buhay Ko."
PHOTO/S: Viva Artists Agency

Inilunsad si Aga Muhlach noong 1984 bilang isa sa mga bida ng pelikulang Bagets ng Viva Films, at makalipas ang apatnapung taon, ang kanyang anak na si Andres naman ang ipinakilala sa sitcom nilang Da Pers Family ng Studio Viva.

Si Aga ang nangunguna noon na matinee idol at makaraan ang apat na dekada, sinusundan ni Andres ang kanyang mga yapak.

Read: Andres Muhlach: The Many Faces of a Leading Man

Dumagundong ang Araneta Coliseum dahil sa malakas na tilian at palakpakan ng mga tagahanga ni Andres nang umakyat ito sa entablado sa highly-successful fancon at grand concert ng Vivarkada na naganap noong Biyernes, Agosto 15, 2025.

Ang napakainit na pagtanggap kay Andres ng kanyang mga tagasuporta ang pruweba na isa siya sa pinakasikat ngayon na matinee idol.

Matibay na patunay rin ang tagumpay ng kanyang unang youth-oriented series na pinagbidahan, ang Ang Mutya ng Section E.

Lalong umalingangaw ang malakas na hiyawan sa loob ng Araneta Coliseum nang ibalita nina Andres at Ashtine Olviga na simula sa Nobyembre 21, 2025, mapapanood na ang Book 2 ng Ang Mutya ng Section E: The Dark Side.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Ashtine Olviga at Andres Muhlach, magbibida na sa
Ashtine Olviga at Andres Muhlach, magbibida na sa "Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna."
Photo/s: Viva Artists Agency

Karagdagan sa listahan ng original cast sina Joko Diaz na gagampanan ang karakter ni Kaizer Watson, Nathalie Hart bilang Serina Watson, Billy Villeta as Dylan, Austin Dizon as Jason, Jeffrey Hidalgo bilang Andy, Taneo ng boy group na Alamat as Sato, at Rhen Escaño bilang Honey Bee Ryder.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masigabong palakpakan at makabasag sa pandinig na tilian ang tinanggap ni Andres nang awitin nito ang cover version niya ng Hotdogs 1970s hit song na "Ikaw Ang Miss Universe ng Buhay Ko."

Hindi lamang ang Book 2 ng Ang Mutya ng Section E ang hinihintay ng mga taga-hanga nina Andres at Ashtine, dahil nasasabik na rin sila na mapanood ang unang pelikula ng dalawa na itatanghal sa mga sinehan sa Setyembre 24, ang Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna.

Read: Andres Muhlach at Ashtine Olviga, magbibida na sa pelikula

Napanood na namin ang ilan sa mga eksena ng Minamahal at matutuwa ang mga tagahanga nina Andres at Ashtine dahil sa kanilang mahusay na pagganap. Para sa Cabinet Files, isa ito sa mga dahilan kung bakit karapat-dapat sila sa kasikatan at paghanga na tinatamasa nila sa kasalukuyan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dumagundong sa hiyawan at palakpakan ang Araneta Coliseum nang sumampa na sa entablado si Andres Muhlach at simulang awitin ang cover version niya ng Hotdogs 1970s hit song na "Ikaw Ang Miss Universe ng Buhay Ko."
PHOTO/S: Viva Artists Agency
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results