Makaraan ang labimpitong taon, muling magtatambal sa pelikula sina Anne Curtis at Jericho Rosales.
The Loved One ang pamagat ng proyektong pagsasamahan ng dalawa, mula sa direksiyon ni Irene Villamor at produksiyon ng Viva Films.
Unang nagkasama sina Anne at Jericho sa Baler, ang romantic war film na opisyal na kalahok sa 34th Metro Manila Film Festival (MMFF) noong Disyembre 2008.
Ang Baler ang itinanghal na Best Picture sa Gabi ng Parangal ng 34th MMFF na ginanap sa Harbor Garden Tent ng Sofitel Philippine Plaza, Pasay City, noong Disyembre 28, 2008.
Si Anne ang nanalong Best Actress, at nominated naman si Jericho bilang Best Actor.

Muling nagkapareha sina Anne at Jericho sa Green Rose, ang drama series ng ABS-CBN na napanood mula Pebrero 14 hanggang Mayo 27, 2011.

Read: Wild Boys producers share "tragic experience" working with Aljur and Vin Abrenica
ANNE'S INSTAGRAM POST
Noong Abril 2024, nagkaroon ng mga haka-hakang may gagawing proyekto sina Anne at Jericho dahil sa Instagram post ng aktres.
Kasama si Direk Irene sa larawang ibinahagi ni Anne, mahigit isang taon na ang nakalilipas.
Read: Netizens Query: Anne Curtis, Jericho Rosales Reunion Movie?
Ngayong Agosto 2025, matutuloy na ang shooting ng pelikulang pagsasamahan ng tatlo, ang The Loved One.
Unang nakatrabaho ni Anne si Irene sa Sid & Aya, Not A Love Story, ang pelikulang pinagbidahan nila ni Dingdong Dantes.
Certified blockbuster ang Sid & Aya dahil pinilahan ito ng mga manonood nang ipalabas sa mga sinehan noong 2018.
Read: Kazel Kinouchi, nabunyag ang pagkakaroon ng asawa't anak