May niluluto bang reunion movie ang Kapamilya stars na sina Anne Curtis at Jericho Rosales?
Ito ang tanong ng maraming netizens matapos mag-post si Anne ng litrato niya kasama si Jericho at direktor na si Irene Villamor.
Sa Instagram noong April 1, 2024, ibinahagi ni Anne ang kanyang March dump, na naglalaman ng mga litrato sa mga lakad at ganap ng It's Showtime host noong buwan ng Marso.
Kabilang na rito ang naging bakasyon niya sa Taiwan at Siargao, pagpirma ng kontrata ng It's Showtime sa GMA-7, at ang pagkikita nila nina Jericho at Direk Irene.
Ang larawan ni Anne kasama sina Jericho at Direk Irene na nagpa-excite sa kanilang mga tagahanga.
Read: Vice Ganda calls airing of It's Showtime on GMA-7 "historic, iconic, mothering"
Nilapatan pa ito ni Anne ng caption na “When like minds collide."
Mabilis na pinag-usapan ang litratong ito, kunsaan marami sa mga tagahanga nila ni Jericho ang natuwa sa posibilidad na muling pagsasama nila sa isang proyekto.
Komento ng isang netizen (published as is), "Movieeeee with papa echooo na pleaaaassse."
Sabi ng isa, "Echo [heart emoji] Anne, I don't know but I always have kilig effect from this 2. Wishful thinking upcoming project. Mala greenrose [laughing in tears emoji]."
"Omggg plss sana matuloy kung ano man yang meeting nyo nila echo and direk," hirit naman ng isa.
Dagdag pa ng isa, "Another Anne and Echo project??? Yes please! [pray sign emoji]."
Huling nagkatrabaho sina Anne at Jericho sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Baler noong 2008.
Dito ay gumanap si Anne bilang Feliza Reyes, ang Pilipinang na-in love sa Spanish-Filipino trooper na si Celso Resurreccion (Jericho).
Read: Jericho Rosales and Anne Curtis team up for the first time in period film "Baler"
Sa pelikula ring ito itinanghal si Anne bilang Best Actress sa MMFF 2008.
Si Direk Irene naman ang nagdirek ng Meet Me in St. Gallen (2018) at On Vodka Beers and Regrets (2020) nina Bela Padilla at JC Santos; Sid and Aya: Not a Love Story (2018) starring Anne at Dingdong Dantes; at Five Breakups and a Romance (2023) nina Julia Montes at Alden Richards.
