Maraming netizens ang pumuri sa pagtalakay ng programang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) sa maanomalyang flood control projects na mainit na pinag-uusapan ngayon.
Lifestyle at magazine show ang kategorya ng KMJS, na nag-umpisang mapanood sa GMA-7 noong Nobyembre 7, 2004.
Read: Mayor Vico Sotto calls out broadcasters over Discaya interviews
Lifestyle, pop culture, paranormal activities, urban legends, at mga kuwentong nagbibigay ng pag-asa at inspirasyon ang kadalasang tinatalakay sa Sunday night program ni Jessica sa Kapuso Network.
Ngunit kilala rin ang KMJS sa pagtalakay ng current events na nakakaapekto sa pamumuhay ng bawat Pilipino.
Sa episode ng KMJS noong Linggo, August 24, 2025, itinampok ang kontrobersiyal at pinag-uusapang maanomalyang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Bahagi ng feature ng KMJS ang eksklusibong panayam ni Jessica kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, na isa sa mga tumututok sa kontrobersiyang ito.
Ayon sa maraming nagbibigay ng opinyon at komento sa social media, si Jessica umano ang isang halimbawa ng mamamahayag na hindi matatawaran ang kredibilidad at integridad.
Hindi rin daw nangingimi ang beteranang broadcaster na talakayin ang mga mabibigat na isyung kailangang malaman ng publiko.
Hindi rin daw nasangkot si Jessica sa mga maseselang usapin at napanatili niya ang integridad at kredibilidad mula nang mag-umpisa ang kanyang broadcasting career noong 1985.
Read: Lacson, Magalong bare kickback scheme in anomalous DPWH deals
DIEGO CASTRO DEFENDS BROADCASTERS
Samantala, nagbigay naman ng opinyon ang news anchor at dating aktor na si Diego Castro tungkol sa isyung kinasasangkutan ng ilang kapwa niya broadcasters.
Si Diego ay anak ng award-winning broadcaster na si Angelo Castro (Marso 6, 1945 – Abril 5, 2012) at ng broadcaster-actress na si June Keithley (March 10, 1947 - November 24, 2013).
Sinundan ni Diego ang yapak ng kanyang mga magulang dahil anchor na siya ngayon sa mga news program ng One PH.
Hindi napigilan ni Diego ang sariling magbahagi ng opinyon dahil sa masasakit na paratang laban sa kanyang mga kasamahan sa broadcast industry na idinadamay sa isyu ng korapsyon.
Saad ni Diego sa kanyang Facebook post noong August 24: “All of a sudden there are a lot of FB analysts and commentarists that have come out critical of us in media.
“First of all, before you criticize get your facts straight.
"Second, do you actually know how many of us journalists grind day in and day out to try and gather, vet and share important info for everyone?
“Sure, there are bad apples here and there, but di ba sa ibang trabaho meron din naman? So why would you brand journalism corrupt as a whole?
“Lastly, before you decide to post something negative about someone, get your facts straight. Like all of you, we work hard also for honest wages.”
Read: Korina Sanchez camp slams Mayor Vico Sotto's "slanderous" FB post