Natuldukan na ang isyu sa pagitan nina Leyte Fourth District Representative Richard Gomez at Baguio City Mayor Benjamin Magalong nang magkita sila sa isang okasyong dinaluhan ng mga opisyales ng local government unit.
Nitong Miyerkules ng gabi, Agosto 27, 2025, inilabas ni Magalong sa kanyang Facebook page ang mga larawan nila ni Richard na nakangiti sa isa’t isa at mahigpit na magkayakap — na tanda ng kanilang pagkakasundo.
Caption ng Baguio City mayor: “Despite the noise and accusations, true friendship remains.”
Ginamit ni Magalong sa photo caption nito ang salitang "noise" na unang nabasa sa pasaring ni Richard para sa isang city mayor.
Tanong noon ng actor-politician: “Why is this city mayor making so much noise?”
Walang ibang detalyeng inilagay si Magalong tungkol sa naganap na pagtatagpo.
Pero sa pagsasaliksik ng Cabinet Files, nagpang-abot sina Magalong at Richard sa isang hotel sa Pasig City dahil parehong dumalo ang dalawa sa pagtitipon ng Tier 1B LGU Partners To The EU-PH Green Economy Partnership.
Read: Lacson, Magalong bare kickback scheme in anomalous DPWH deals
RICHARD GOMEZ'S "BLIND ITEM"
Ikinatuwa ng mga kakilala nina Richard at Magalong ang "mala-bromance" na pagbabati ng dalawa matapos magkaroon ng sagutan dahil sa akusasyon ng alkalde ng Baguio City na sangkot sa korapsyon ang mga kongresista.
Hindi pinalampas ni Richard ang binitiwang salita ni Magalong.
Pero hindi siya nagbanggit ng pangalan sa kanyang maanghang na Facebook post noong Agosto 19, 2025, tungkol sa isang alkaldeng gumagawa raw ng ingay.
Bahagi ng "pa-blind item" ng kongresista: “Why is this city mayor making so much noise? It doesn’t surprise me anymore that this so-called 'clean' mayor is throwing accusations of corruption at us congressmen.
“Corruption has become the easiest issue to ride on nowadays, but let’s be honest, I don’t think this is all about corruption.
“If this is about his own congressman, who happens to bring in more projects for his district than he can for his city, don’t include all of us.
“If you have a problem with your congressman, face him. Don’t drag all of us into your fight. Don’t discredit every congressman just to make yourself look good.
"You talk nonstop about corruption in Congress, why? Because it’s an easy headline?
“Meanwhile, your own city is drowning in problems: the air quality is getting worse, there’s not enough public transport, the waste disposal system is broken, the city is overcrowded, illegal structures are all over and the urban planning is in shambles.
“Maybe it’s time to fix your own house first before pointing fingers at others. Mahiya ka naman.”
Read: Cong. Richard Gomez, pinasaringan si Mayor Benjamin Magalong?
BENJAMI MAGALONG ADDRESSES GOMA'S POST
Kaagad namang sumagot si Magalong dahil pakiramdam niya ay siya ang tinutukoy ng actor-turned-congressman.
“Alam mo nalulungkot ako dahil kaibigan ko siya. Tapos alam mo, honorary member pa siya ng klase namin.
"Sa tingin ko siguro baka ako yung tinutukoy kaya nakakalungkot lang,” pahayag ni Magalong sa panayam sa kanya ng media noong Agosto 20.
Nagtapos si Magalong na magna cum laude sa Sandigan class ng Philippine Military Academy (PMA) noong 1982, kung saan honorary member si Richard ng kanilang klase.
Dagdag pa ng alkalde: “Hindi ko alam kung bakit siya nagsasalita nang ganoon.
"Unang-una, klaro naman yung binabanggit ko tuwing interbyu ko na marami rin matitino diyan sa House of Representatives.
“Pero I finally realized na it’s useless to argue. Sabi nga nila, 'argument is wasted when the truth doesn’t make a mark.'
“Kung sanay ka sa dark, sa madilim na lugar, mahirap ka talagang makakita ng maliwanag kaya hayaan ko na lang.”
But all’s well that ends well dahil natapos na ang short-lived rift nina Richard at Magalong nang magkita sila sa Europe-Philippines Green Economy Partnership event ngayong Miyerkules.
Read: Benjamin Magalong, may sagot sa pasaring ni Richard Gomez