Kinumpirma ni House Deputy Speaker at Antipolo Representative Ronaldo Puno ang nakatakdang pagbibitiw sa tungkulin ni House Speaker Martin Romualdez ngayong Miyerkules, Setyembre 17, 2025.
Iniuugnay ang pangalan ni Romualdez sa eskandalo ng flood control projects.
Ang plano ni Romualdez na leave of absence bilang House Speaker ang unang balita na lumutang noong Martes, Setyembre 16.
Ito ang pinagdududahang pinagmulan ng cryptic social media post ni Edu Manzano.
Nakasaad dito: “Kung talagang mag-LOA ka bukas huwag ka nang bumalik para may oras kang harapin ang mga akusasyon ng korupsyon.”
Read: Arjo Atayde on Discayas: "I’ve never dealt with them."
Sa mga entertainment personality, isa si Edu sa mga kritiko ng mga mambabatas, contractor, at mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na isinasangkot sa mga anomalya sa flood control projects at paglustay sa bilyung-bilyong piso na mula sa buwis na ibinabayad ng sambayanang Pilipino.
Pinupuna ni Edu ang mga tiwaling gawain ng mga sangkot sa anomalya sa pamamagitan ng kanyang mga nakakatawa pero nang-iinsultong satirical social media posts.
ROMUALDEZ tO RESIGN AS HOUSE SPEAKER
Pero ngayong umaga, hindi lamang leave of absence ang aksyong gagawin ni Romualdez.
Kinumpirma ni Puno ang binabalak na pagbibitiw ni Romualdez bilang House Speaker.
Patunay nito ang mga kagamitang inilabas mula sa opisina niya sa Batasang Pambansa noong Martes ng gabi.
Si Romualdez at ang kanyang kaibigang si Ako Bicol Party-list Representative Rizaldy Co ang dalawa sa mga miyembro ng House of Representatives na idinidiing may kinalaman umano sa maanomalyang flood control projects.
Si Romualdez ay pinsang-buo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Si Co naman ay kasalukuyang nasa Amerika, mula pa noong Hulyo 2025, para sa medical check-up umano.
Read: Zaldy Co, Martin Romualdez deny kickback claims by the Discayas
A TRILLION PESO MARCH
Sa kabila ng nakatakdang pag-alis ni Romualdez sa puwesto, tiniyak ng mga lalahok sa A Trillion Peso March sa Setyembre 21 na tuloy na tuloy ito.
Kailangan pa rin daw sagutin ng mambabatas mula sa Leyte ang mga akusasyong may partisipasyon siya sa panlilinlang sa taumbayan.
Ang A Trillion Peso March ang malawakang protesta laban sa massive corruption sa pamahalaan.
Gaganapin ito sa Luneta Park, Manila, at sa People Power Monument, EDSA, Quezon City, sa araw ng paggunita sa ika-53 anibersaryo ng pagdedeklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ng batas militar noong Setyembre 21, 1972.
Read: Malawakang kilos-protesta laban sa korapsyon, nagsisimula na
