Nagpakawala ng maaanghang na salita ang beteranang female broadcast journalists na sina Kara David ng GMA-7 at Karen Davila ng ABS-CBN laban sa mga opisyal ng pamahalaan na iniiugnay sa malalang korapsyon na nangyayari sa Pilipinas.
Dahil sa kanilang mga komento ay naging trending topic sa social media ang dalawa, na nagkaton ding pareho ng initials na KD.
Read: Arjo Atayde, muling nasilayan ng publiko matapos idawit ng mga Discaya
KARA DAVID'S BIRTDAY WISH
Ipinagdiwang ni Kara ang kanyang ika-52 kaarawan noong Setyembre 12, 2025.
Sa kanyang belated celebration kasama ang mga kaibigan kahapon, Setyembre 17, tinanong si Kara kung ano ang birthday wish niya bago hipan ang kandila sa cake.
Ito ang kanyang walang pag-aatubiling sagot: “Sana mamatay lahat ng kurakot sa Pilipinas!”
Sa mismong Facebook page ni Kara, kung saan in-upload ang video, nagkamal ito ng mahigit 485K reactions, 33.5K comments, at 124K shares.
Karamihan ng mga nagkomento sa post ni Kara ay nag-wish na matupad ang birthday wish ni Kara.
Narito ang ilan sa kanila:
"Wish ko na sana matupad ang wish mo Ms. Kara. Happy Birthday!!!"
"Dapat ganyan lahat wish ng mag birthday buong taon"
"Sana nga po matupad ang wish niu ms kara, happy birthday"
"Kakanerbyos ang wish mo, Baka lampas kalahati ng politicians ang mawala! Joke!"
"Gustong gusto ko ung wish mo ms kara … sana maging wish granted yan"
"Sana matupad ang wish mo. kasi wish din nmin yan eh."
"Wish Ng buong pilipinas Yan. Happy birthday po"
"I wish the wish you wish will come true."
"sa lahat ng magbbday pls ganto po ang iwish niooo HAHAJASHAHAHJAA"
"di sila pwede magalit sa wish mo ginusto nila yun. Happy birthday po!"
"Huwag muna kayo mag-wish, para hindi matabunan wish ni Ms. Kara David"
Read: Lino Cayetano, hayagang kinontra ang kapatid na si Alan Peter Cayetano
KAREN DAVILA SLAMS MARTIN ROMUALDEZ
Mahaba naman ang litanya ni Karen Davila sa panayam niya kay Deputy House Speaker Ronaldo Puno sa programang Headstart sa ANC noong Miyerkules, Setyembre 17, 2025.
Nakapanayam ni Karen si Puno ilang oras bago magbitiw si Leyte First District Representative Martin Romualdez bilang House Speaker.
Base sa mga sinabi ni Karen, malinaw na hindi niya nagustuhan ang pagtatanggol ni Puno kay Romualdez.
Parang si Romualdez pa raw ang nagsakripisyo at naging biktima mula nang masangkot ang pangalan nito sa isyu ng budget insertions at korapsyon.

Mahabang litanya ni Karen kay Puno: “I understand you work with him but I think we need to hold our leaders accountable.
"He is the Speaker of the House, the budget emanates from the House.
"There are talks of ostentatiousness and extreme wealth from private planes, supposedly more than ten houses in Forbes Park.
“I am sorry I have to bring this up, but to defend the Speaker that he is a victim in all these, it’s appalling to the Filipino people.
“At the end, he would not even explain the corruption in the budget that he allowed, that he allowed!
“The House passed it. In the end, we are talking about the public being angry of the ostentatiousness and extreme wealth of Martin Romualdez, Zaldy Co!
“This is not the time of the wealth that you and I have seen in past administrations. Galit na tayo noon kay GMA [Gloria Macapagal-Arroyo], kay Erap [Joseph Estrada], etc.
“This is a whole other level of alleged corruption. This could be the levels of Nepal.
"That kind of anger, which I hope not, but if the end of the day, when you hear about homes abroad, I mean Congressman [Puno], it’s very difficult to defend Martin, who was in power, unless he submits his SALN. He explains.
“Stepping aside I don’t think is enough for the Filipino people.
"I mean, it’s not personal to me. I am not angry at him personally, but as a leader, this is inexcusable.
"Parang biktima pa siya na ang bait niya? Gusto niyang tumabi?”
CURLEE DISCAYA MENTIONED MARTIN ROMUALDEZ
Sa hearing ng Blue Ribbon Committee sa Senado noong Setyembre 8, binanggit ng contractor na si Curlee Discaya ang pangalan ni Martin Romualdez kaugnay ng maanomalyang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Bagamat nilinaw ni Curlee na wala siyang direktang transaksyon kay Romualdez at sa contractor at congressman na si Zaldy Co, binabanggit daw ang mga pangalan nila ng ilang kongresista na humihingi umano ng porsyento sa flood control projects na nakukuha nila sa DPWH.
Bahagi ng testimonya ni Curlee: “Si Congressman Marvin Rillo naman ay ilang beses na binabanggit ang pangalan ni Speaker Martin Romualdez bilang kanyang malapit na kaibigan.
“Basta sa tuwing umiinom kami sa Wine Story sa BGC at EDSA Shangri-La Mall, sinasabi pa ni Cong. Rillo na lahat ng kanyang request para sa pondo ay galing pa mismo sa unprogrammed funds at insertions na inaaprubahan ni Speaker.
“Ang tao ni Marvin Rillo, si Bogs Magalong, ang pumupunta sa amin para kunin ang pera sa aming opisina.
“Si Cong. Jojo Ang naman, palagi ring binabanggit sa lahat ng projects sa kanya ay papondo ni Speaker at ni Zaldy Co.
“Mataas ang hinihingi sa project. Dagdag pa niya, hindi naman lahat ng pera ay para sa kanya kundi para kay Speaker at kay Zaldy Co."
Mariing pinabulaanan nina Romualdez at Co ang alegasyon laban sa kanila.
Read: Zaldy Co, Martin Romualdez deny kickback claims by the Discayas