PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Heaven Peralejo naawa kay Alden Richards bilang aktor at direktor

Heaven Peralejo, nag-research sa kanyang role bilang public prosecutor.
by Jojo Gabinete
Published Sep 30, 2025
heaven peralejo alden richards out of order
Heaven Peralejo on Alden Richards as a director: “As a director, yes, detailed siya. Gusto niya, may certain type siya na gusto, like kung paano ibabato ang mga linya. Na-appreciate ko ang mga ganoong bagay kesa yung kailangan ko pang kapain kung ano talaga ang gusto niya."
PHOTO/S: @viva_films on Instagram

Hindi makapaniwala si Heaven Peralejo nang unang sabihin sa kanyang siya ang makakapareha ni Alden Richards sa Out Of Order, ang kanilang suspense-thriller-drama movie na mapapanood sa Netflix simula sa Huwebes, Oktubre 2, 2025.

Sa panayam kay Heaven sa red-carpet premiere ng Out Of Order sa Red Carpet Cinema ng Shangri-La Plaza Mall noong Linggo, Setyembre 28, nagkuwento siya tungkol sa naramdaman niyang pagkagulat nang ialok sa kanya ang pelikula.

Lahad ng aktres: “Hindi ko inasahan so nung ibinigay sa akin ang project na ito, ‘Ako ba talaga ang gusto ninyo? Sure ba talaga kayo?’

“Sabi nila, and even si Alden, sabi niya, ‘I know na kaya mo ito and I do believe in you. Nandito ako para alagaan ka rin so don’t worry about it.'”

Read: Ralph Tulfo, may pahayag sa viral P6.7M bill na binayaran sa Las Vegas club

Ginagampanan ni Heaven sa Out of Order ang papel ng public prosecutor at love interest ni Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para maging kapani-paniwala sa karakter na ipinagkatiwala sa kanya, hiningi ni Heaven ang tulong ng kaibigan niyang isang law student.

Lahad ng aktres: "I did research. I remember I asked my friend na nag-aaral ng law sa Ateneo de Manila University.

"Talagang minsan sumasama ako sa kanya kapag may mga pinapanood silang cases, for research din. Immersion talaga.”

Read: Sarah Discaya, nag-finger heart nang mamataan sa DOJ

out of order netflix
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HEAVEN ON ALDEN AS LEADING MAN AND DIRECTOR

Hindi lamang artista si Alden sa Out Of Order dahil siya rin ang direktor.

Tinanong ng Cabinet Files kay Heaven tungkol sa advantage at disadvantage na kapwa niya artista ang namamahala sa pelikula nila.

Saad niya: “Ang advantage, alam na niya yung shots.

"Pagdating mo sa set, talagang alam niya kung ano ang gagawin.

"Alam niya kung papaano ang batuhan ng acting. Hindi na kailangan tumimpla kumbaga.

“Ang disadvantage, siyempre nakakaawa rin siya kasi wala siyang pahinga.

"Yung parang minsan gusto ko pa siyang tsikahin. Hayaan ko na lang siya para, 'Okay, magpahinga ka muna diyan.'"

Lahad pa ni Heaven: “I always remember na sobrang caring siya on set. Hindi lang sa akin but for everyone.

“Nang-i-spoil siya. May fruits. Kapag kailangan ko ng fruits, may padala siyang fruits. Pero ganoon din naman siya sa other cast.

“As a director, yes, detailed siya. Gusto niya, may certain type siya na gusto, like kung paano ibabato ang mga linya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Na-appreciate ko ang mga ganoong bagay kesa yung kailangan ko pang kapain kung ano talaga ang gusto niya.

“Pero very respectful din siya kapag meron akong suggestion. Irerespeto niya yon and titingnan niya kung kayang i-collaborate.”

Read: Annette Gozon-Valdes defends Shuvee Etrata from critics

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heaven Peralejo on Alden Richards as a director: “As a director, yes, detailed siya. Gusto niya, may certain type siya na gusto, like kung paano ibabato ang mga linya. Na-appreciate ko ang mga ganoong bagay kesa yung kailangan ko pang kapain kung ano talaga ang gusto niya."
PHOTO/S: @viva_films on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results