Mula sa kinikilig na pag-amin sa harap ng kamera na 11 digits na ang halaga ng yaman nila ng kanyang asawang si Curlee Discaya, hanggang sa pagpapakita ng kanilang mga pag-aaring luxury cars sa mga panayam nina Julius Babao at Korina Sanchez, biglang naging camera shy ang contractor na si Sarah Discaya.
Napansin ito nang marespeto siyang nilapitan ng GMA Intergrated News reporter na si Joseph Morong para tanungin kung ibabalik na rin niya sa kinauukulan ang kanyang mga mamahaling sasakyan, tulad ng ginawa ni dismissed Bulacan First Assistant District DPWH Engineer Brice Hernandez.
Nangyari ang panunuyo ni Joseph na mainterybu si Sarah para sa pagdinig ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) tungkol sa anomalya sa flood control projects ng pamahalaan, sa Taguig City, noong Miyerkules, Oktubre 1, 2025.
Nabigo si Joseph na makakuha ng sagot dahil tinalikuran siya nito.
Read: Vico Sotto, Manny Jacinto land on TIME's Most Influential Rising Stars
NO MORE FINGER HEART FROM SARAH
Hindi lamang basta cold-shoulder treatment ang natanggap ni Joseph mula kay Sarah.
Ibang-ibang Sarah ang nakaharap ni Joseph dahil walang finger heart sign o pakiusap na, “Gandahan ninyo ang memes ko.”
Sinabi ito ng kontrobersiyal na contractor sa mga miyembro ng media na nakasalamuha niya nang magpunta sila ni Curlee sa Department of Justice (DOJ) noong Sabado, Setyembre 27, para sa kanilang kahilingang isama sila sa Witness Protection Program ng naturang ahensya.

Maaaring may kinalaman ang biglaang pagiging mahiyain at camera shy ni Sarah dahil pinuna ito ni DOJ spokesperson Mico Clavano, at binatikos din ng publiko.
"The heart sign and the remarks of Ms. Sarah Discaya are all taken into account in the assessment and evaluation of the persons involved.
"It is a sign of insincerity and complacency," reaksiyon ni Clavano sa eksena ni Sarah, na nakasanayan nang gamitin ang finger heart sign sa kanyang mga larawan.
Read: Sarah Discaya, nag-finger heart nang mamataan sa DOJ
CUSTOMS CONFISCATE DISCAYAS' LUXURY CARS
Kahit tinalikuran at hindi sinagot ni Sarah ang pagtatanong ni Joseph, nagkaroon ng kasagutan ang pag-uusisa ng Kapuso news reporter dahil noong araw ring iyon, kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang labintatlong luxury vehicles ng mga Discaya.
Kabilang ang Rolls-Royce Cullinan sa mga kinumpiska ng BOC.
Binili ni Sarah ang nabanggit na sasakyan na milyun-milyong piso ang halaga dahil natuwa siya sa kasamang payong.
Ayon sa Bureau of Customs, nagkakahalaga ng PHP100 milyon ang buwis na hindi binayaran ng mga Discaya para sa luxury cars na binabalak na isubasta.
Read: All 38 featured vehicles of the Discaya family and their prices