Kasama si Ellis Co sa mga umani ng pambabatikos matapos mag-resurface ang mga photos na kuha during renewal of vows ng mga magulang niyang sina Zaldy at Mylene Co noong Hulyo 2024, sa Vatican City, Rome.
May isa pang set of photos kasi na lumitaw.
Kuha naman ito sa birthday celebration ni Mylene sa Paris, kung saan pinasara ng pamilya Co ang birththplace store ng Dior sa Montagne Avenue at nag-fly in sila ng mga guests mula sa Pilipinas.
Nasa larawan si Ellis, hawak-hawak ang birthday cake ng ina.

Tinawag ng netizens na "resibo" ang mga larawan.
Ay inakusahang "drama" lamang ang statement na inilabas ni Ellis.

Read: Zaldy-Mylene Co renewal of vows sa Vatican City, muling lumitaw
Base kasi sa expression ng mukha ni Ellis, hindi raw mababakas na "increasingly distant" siya sa kanyang pamilya.
Matatandaang nanawagan pa siya sa kanyang ama na umuwi na sa Pilipinas at harapin ang mabibigat na paratang.
Bahagi rin ng kanyang statement na inilabas noong September 24, 2025, sa Instagram: "I’ve moved out of my parents’ home. I didn’t pursue college, and I’ve been working for my money since I was 16."
Read: Ellis Co speaks out against his father Congressman Zaldy Co
Pero bakit siya nasa birthday party ng ina?
Napadaan lang kaya siya? O 15 years old lamang siya nung nangyari ang party?
