Ang pagkakaroon ng bahay sa France na simbolo ng magarbong pamumuhay ang isa sa mga ibinibintang laban sa pamilya ng aktres na si Sylvia Sanchez at panganay nitong anak na si Quezon City First District Representative Arjo Atayde.
Pero pinabulaanan ito ng dalawang taong malapit sa mga Atayde.
Ayon sa isang source na nakausap ng Cabinet Files noong Setyembre 10, 2025, home rental sa pamamagitan ng Airbnb ang bahay na tinuluyan nila nang dumalo sila sa 76th Cannes Film Festival noong Mayo 2023.
Kasama umano nila ang mga artista at direktor ng Topakk, ang pelikulang pinagbidahan ni Arjo na ipinalabas sa Cannes' Marché du Film Fantastic Pavilion noong May 2023.
Wala pang ibang source na nagkukumpirma nito.
Read: Discayas name congressmen who allegedly took cuts from DPWH deals
A BALCONY BY THE SEA
Noong Sabado, Oktubre 4, 2025, ibinahagi ng kaibigan ni Sylvia na si Glenda Garcia ang detalye tungkol sa A Balcony On The Sea, ang bahay sa Theoule-sur-Mer, France, na tinirhan daw ng pamilya ni Sylvia at ng cast ng Topakk.
Ayon kay Glenda, hindi pagmamay-ari ng mga Atayde ang nasabing bahay.
Facebook post ni Glenda: “Ang ganda nitong tinirhan nila Sylvia Sanchez at ang bumubuo ng movie production nila na nirentahan sa #AIRNNB.
"Hindi nila to pagmamayari, nirentahan lang nila para makatipid kesa mag hotel.”
Naglabas din si Glenda ng mga larawan na tumutugma sa hitsura ng bahay na ipinakita ni Sylvia sa house tour video nito noong May 2023.
Nga lang, inilabas ni Glenda ang kanyang post nitong 2025 na, matapos maglabasan ang mga akusasyon sa mag-amang Art at Arjo ng milyong-milyong kinuha nila umano sa DPWH contractors.
Naiisip tuloy ng iba na panghabol-depensa na lamang ito para sa mag-asawa.
Read: Gela Atayde says brother Arjo is "busy serving, not stealing"
Nagkaroon ng mga haka-haka na ang pamilya Atayde ang may-ari ng bahay sa France dahil sa posts ng vloggers.
Maaaring nagkaroon ng konklusyon ang content creators na pag-aari ng mga Atayde ang Airbnb house dahil sa sinabi ni Sylvia sa house-tour video nito.
Paglalarawan ng aktres: “Eto po yung bahay namin dito sa Cannes. Dito kami nakatira ngayon ng Team Topakk. Eto po yung view namin...”
Nag-react din sa video ang Topakk director na si Richard Somes: “Ang ganda ng place dito ni Ma’am.”
Kasama rin nila sa video ang award-winning actress na si Lorna Tolentino, na kasosyo ni Sylvia sa movie production.
Nagpunta sila noon sa Cannes para tumingin ng foreign movies na puwedeng bilhin para ipalabas dito sa Pilipinas.
Read: Lorna Tolentino becomes producer
ARJO ATAYDE NAMED BY THE DISCAYAS
Naging malupit ang publiko sa pamilya ni Sylvia, lalo na sa kanyang anak na si Arjo, dahil sa paratang ng mag-asawang Sarah at Curlee Discaya na binigyan nila ang aktor ng milyun-milyong pisong komisyon mula sa pondo ng maanomalyang flood control projects.
Idinawit din ng mga Discaya ang ama ni Arjo na si Art Atayde na siya umanong pinag-abutan nila ng pera.
Bahagi ng testimonya ni Curlee sa Senate Blue Ribbon Committee hearing noong Setyembre 8, 2025: “For sample po, yung katulad kay Cong. Arjo Atayde po, bale PHP60 million po ang sinabi ko sa chat ko.
"Kasi PHP60 million po yung pinababalik ko sa kanyang pera po na ibinigay ko sa tatay niya.”
Pero ayon sa contractor, hindi umano ibinalik sa kanya ng actor-politician ang pera.
Ang rebelasyon ng mga Discaya ang dahilan kaya naungkat ang pamumuhay at mga ari-arian ng pamilya Atayde.
Mariin namang pinabulaanan ni Arjo, at maging ng kanyang misis na si Maine Mendoza, ang mga alegasyon laban sa kanila.
Related Stories: