Ang paglulunsad ng Viva Movie Box sa susunod na buwan ang itinuturing na biggest event ng magkapatid na Vincent at Val del Rosario.
Kasabay sa pagdiriwang ng ika-44 na taon ng Viva Films, ito ang sagot ng Viva Entertainment Inc. sa usong-uso ngayon na vertical dramas—mga series na maiiksi at nakakaengganyong panoorin dahil sa mabibilis na takbo ng mga kuwento at nakadisenyo para panoorin sa mobile phones.

Ang tagumpay ng mga streaming platforms na Vivamax at Viva One ang nag-udyok sa Viva na ilunsad ang Viva Movie Box.
At ang kanilang ama na si Boss Vic del Rosario ang may ideya nito.
Read: PEP Icon: Boss Vic del Rosario and the success of VIVA
Ang bungad na kuwento ni Vincent:
"Si Boss Vic, quite adventurous sa mga bagong negosyo.
"So far, okay naman. Kasi nung pumasok kami sa streaming, we have zero knowledge at the time in that business.
"Along the way, inaral namin.
"Siyempre maraming failures, pero eventually naman, natumbok namin. That led us to launch yung second platform, yung Viva One."
Read: MTRCB 40th anniversary: Highlights and sidelights
THE CONCEPT
Sa mga hindi familiar, ito yung mga maiikling drama na makikita sa mga social-media platforms, lalo na sa TikTok at Facebook.
Sa pagpapatuloy ni Vincent: “Itong Viva Movie Box, it’s another test for us at nakita namin yung success ng China platforms.
"I think kaya nagkaganyan dahil nasanay na tayo sa TikTok na pa-vertical na nating pinapanood.
"It’s so convenient to watch a movie, so I think naging accepted yung vertical videos.
"Parang naging natural extension ng pagkakaroon ng long form, pero chapter-based series.
"So ito ang konsepto ng Viva Movie Box."
Lahat daw ng mga tampok na dramas dito ay bago.
Ani Val: "Nauuso po ngayon yung vertical dramas, so ito po yung aming foray into this kind of platform.
"Ito po ay ilo-launch namin sa November 10, it coincides with Viva’s 44th anniversary.
"Ito po ang bagong offering namin wherein yung mga bagong kuwento at mga bagong klase ng content naman ang makikita ninyo.
"Iba-ibang klase naman po ng drama ang mapapanood natin."
WILL VIVA MOVIE BOX COMPETE WITH THE LONGER SERIES AND FILMS?
Tiniyak ni Val na hindi makakaapekto sa mga full-length movies na ginagawa ng Viva at ipinapalabas sa mga sinehan.
Paliwanag niya: “Ibang klase naman ang content na puwedeng mapanood ng ating viewers kasi magkaiba po.
"Siyempre, sa cinema, mauupo ka, manonood ka, full attention.
“Ang Viva Movie Box, ito po yung mabilisan lang. Puwede mong panoorin habang naglalakad ka, nag-aantay ng MRT, or nag-aantay ng elevator."
Iba raw ang magiging market nito, ayon pa rin kay Val.
“Pasok po siya sa kung paano gumalaw ang mga tao sa ngayon.
"I think po, iba-ibang market, iba-ibang platform. Gusto lang po namin na we’re able to reach as much as we can kasi yung iba, mas gusto nila na manood sa TV.
“Yung iba, mas gusto nila sa mobile [phones]. Yung iba, mas gusto ang long form o streaming.
"Yung iba naman na walang masyadong oras, mabilisan lang, ito po yung Viva Movie Box kasi mga two to three minutes lang siya per episode.”
Sa pag-usbong ng maraming form of media, mas dumarami raw ang opportunities para sa mga artista, producers, at industry workers.
Sa mga nauna nilang ni-launch, naging "successful, nag-resonate sa young adult market."
Sambit ni Vincent, "Na-excite ang public."
Dahil sa mainit na pagtanggap ng mga viewers, nagkaroon ng mga bagong artista, at naging daan ito para magkaroon ng mga spin-offs, gaya ng "hit recordings born out of those series."
Flexible din daw ang subscription nito.
Aniya, "Puwede siya na weekly... puwede rin na tingi.”
Siniguro rin niyang magiging affordable para sa publiko ang subscription rates, na kanilang i-aanunsiyo sa mga susunod na araw.