GORGY RULA
Maningning ang selebrasyon ng 40th anniversary ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kagabi, Miyerkules, October 15, 2025, sa grand ballroom ng Solaire North, Quezon City.
Halos kumpleto ang grupo ng Eat Bulaga! na pinangunahan nina Senator Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon.
Nandoon din ang taga-Batang Quiapo na si Coco Martin kasama si Julia Montes.

Sila na rin ang nag-represent sa Ang Probinsyano, na isa sa binigyan ng moment sa production number nina Jan Marini, Zephanie, Sam Concepcion, Bugoy Drilon, at Ysabel Ortega.
Read: Stars who were killed off in FPJ's Ang Probinsyano
MTRCB Song Number: A medley for top-rating shows
Nagkaroon naman ng medley para sa theme songs ng mga nag-hit na TV shows ng GMA-7 at ABS-CBN kagaya ng Ang Probinsyano, Be Careful With My Heart, Mulawin, Magpakailanman, Tayong Dalawa, at Maalaala Mo Kaya.
Ang ganda ng ngiti ni Charo Santos nang kinanta ang theme song ng kanyang drama anthology at napatayo pa nang pinalakpakan ang magandang production number.

Natawa si Coco nang ipinakita ang ilang eksena niya sa Tayong Dalawa, kung saan ay support pa lamang siya roon nina Gerald Anderson at Jake Cuenca.
Ilang beses siyang pumalakpak nang kinanta na ang "Wag Ka Nang Umiyak" ng Ang Probinsyano.
FORMER MTRCB CHAIRPERSON'S FAVORITE
Ang saya ng kulitan nina Joey de Leon at Vic Sotto sa isyu ng suspension kay Joey noong si Consoliza Laguardia pa ang chairperson ng MTRCB.
Si Laguardia ang may pinakamahabang taon ng paninilbihan—mula 2003 hanggang 2010—bilang chairperson.
Siya ang nakaupo noong nagkaroon ng isyu si Joey sa Eat Bulaga! at binalaan ni Laguardia na isususpinde.
Nag-leave na muna si Joey sa Eat Bulaga!, pati na rin sa Startalk, bago pa man ibinaba ang suspension.
Pero kinantiyawan pa rin ito ni Vic at sinabing nakatikim pa rin daw si Joey ng suspension.
Nung unang tinawag si Mrs. Laguardia, napadaan siya sa table ng Eat Bulaga! hosts.
Nag-react si Joey na parang natakot nung nakita ang dating MTRCB chairperson.
Nung nagsalita na si Laguardia, binati niya ang Eat Bulaga! host na isa raw sa pinaka-favorite niya.

NOEL FERRER
Marami pang gustong ipatupad ang MTRCB ngayong 40 years na itong nagsisilbi.
Sabi ni Chairperson Lala Sotto-Antonio, patuloy sila sa pakikipag-usap para sa collaboration sa ilang media board sa ibang bansa, kagaya ng Korea Media Rating Board at International Institute of Communications, pati sa British Board of Film Classification.

MTRCB'S "PROTECT" and mobile app
Ibinahagi niya ang isa sa advocacies: “We recognize the fundamental role of parents in guiding their children’s viewing choices.
“To support this, the MTRCB advocates P.R.O.T.E.C.T.—a simple yet powerful guide for families in raising smart and responsible media concerns.
“These parental tips form part of the board’s Responsableng Panonood campaign which stands for:
P- provide guidelines on age-appropriate content
R- regulate screen time by providing resources and support
O- observe co-viewing and family discussion
T- teach media literacy
E- educate children on the impact of media
C- create a family viewing plan
T- take the lead by setting an example on responsible viewing and content consumption."
Sabi pa ni Chairperson Lala: “Through PROTECT, we remind families that while the government and industry practice co-regulation and fulfill their roles, the most important guidance comes from home.”
Noong October 1 ay inilunsad na rin daw nila ang mobile application ng MTRCB.
“A platform that brings our services closer to the Filipino public by providing convenient access to film and television ratings, and allowing the viewing public to directly report concerns to the MTRCB.
“This is one of the many steps we are taking to make responsible viewing more accessible and relevant in today’s fast-paced digital world,” saad ni Chairperson Lala Sotto-Antonio.
JERRY OLEA
Present si Ysabel Ortega sa 40th anniversary party ng MTRCB.
Nakita siyang bumati sa GMA-7 lady boss na si Annette Gozon Valdes.

Lumapit din si Ysabel sa table ng Batang Quiapo para bumati kina Coco Martin at sa mga kasamahan nito, pagkatapos niyang mag-perform.

“Oo nga po, e,” bulalas ni Ysabel.
“Siyempre, they’re very happy to meet me. And it was very nice to meet them as well. And ako naman, it was such an honor to know them po. Siyempre, isa rin po sila sa haligi sa industriya. It was always an honor.”
Bahagi si Ysabel sa Sang’gre, na tinatalo sa ratings ang Batang Quiapo.
Pero matipid ang mga sagot ni Ysabel nang tinanong ang partisipasyon niya sa Sang’gre.
“Alam naman po ng mga Kapuso na part tayo ng Sang’gre. Sana abangan nila. Marami pang aabangan kay Armea,” pakli ng Kapuso actress.
“Hindi ko pa po siguro puwedeng i-disclose kung kasama po ba siya sa extension or kung part ba siya ng original plot.
“Pero siguro yun po, mas marami pang dapat abangan kay Armea. Mas kilalanin pa.
“And of course, Shake, Rattle, and Roll this coming Christmas. Mas magiging busy po kami sa pagpo-promote ng Shake, Rattle and Roll,” sabi ni Ysabel.
