Mabilis ang mga pangyayari sa showbiz career ni Dylan Menor.
Ang baguhang aktor ang bida sa Project Loki, ang upcoming mystery thriller series adaptation ng Viva One at Cignal TV.
Makakasama niya rito si Jayda Avanzado, na ayon kay Dylan ay magaan na katrabaho.
"We worked sa teaser, sa look test, sa pictorial, and every time we get to work, it developed, yung chemistry namin."

Tila may mga showbiz fans na na-excite sa pagtatambal dahil as early as September, nagkaroon na ng Instagram account na JayLan, pinagsamang pangalan nina Jayda at Dylan. Meron itong 403 followers at press time.
Mukha namang madaling nagkapalagayan ng loob ang newbie actor at ang singer na gaganap bilang si Lorelie Rios.
Dagdag ni Dylan: "Hindi naman planado yung moments, it just happens, it just builds, it grows, and I am very thankful.
"Sa unang meet pa lang namin ni Jayda, ang gaan niya kasama, and, for sure, magaan din siya katrabaho.
"Naalala ko, first time namin nagkasama, sa [shoot] ng teaser video, nag-TikTok agad kami.
"Parang naging comfy na kami sa isa’t isa so that’s a good sign.”
Read: Marian Rivera swarmed by fans in Vietnam
DYLAN MENOR on FIRST LEAD ROLE
Gagampanan ni Dylan ang karakter ni Loki Mendez, na ayon sa kanya ay "very mysterious, nonchalant, very calm lang, tahimik, pero, at the same time, he’s also very intelligent especially when it comes to doing investigations."
Dagdag niya, "Ang dami nating gagawin na investigations for this Project Loki."
May pagkakahawig ba si Loki sa ugali ni Dylan sa totoong buhay?
"If I would compare it to my personality, medyo malayo.
"Sometimes, kapag lumalabas yung extroverted side ko. Pero when it comes to my introverted side, so I think, I’m an ambivert, lumalabas din naman yung pagiging nonchalant ko, pagiging mysterious.
"I feel like some of us naman siguro, we sometimes feel we want to be alone or we want peace, we want quiet, so yun siguro ang mga konting similarities namin.
“Yun ang puwede kong paghugutan sa character ko para mabigyan ko ng justice and ma-portray ko nang maayos si Loki Mendez.”
Bago ang project na ito, na-cast si Dylan sa isang teen romantic comedy television series na lumabas sa Viva One.
"Mention ko lang yung Seducing Drake Palma, so very thankful ako sa Viva for giving me this opportunity and sa Cignal, sa TV5.
"So very different si Drake Palma kay Loki Mendez. So grabe yung contrast.
"It’s gonna be a challenge. It’s gonna be a good challenge for me especially sa acting."
Pinasalamatan din niya si Xian Lim, ang direktor ng Project Loki.
"I am very thankful kay Direk Xian for the guidance. Thank you sa mga workshop natin, sa advice mo."