Pagkatapos ng tagumpay sa Netflix Philippines ng kanyang movie directorial debut, ang Out of Order, tiniyak ni Alden Richards na masusundan pa ang mga proyekto niya bilang direktor dahil may pelikula pa siyang gagawin sa Viva Films.
“We’re doing a film sa Viva rin. I’m gonna be directing it as well.
"With the details po, sa media conference na lang natin ia-announce,” pahayag ni Alden.
Read: Chie Filomeno slams "Sofia," accuses her of malicious smear campaign
ALDEN RICHARDS ON WORKING WITH ANNE CURTIS
Nangangarap si Alden makapareha ang Kapamilya star na si Anne Curtis sa isang proyekto.
Hindi ito imposibleng mangyari dahil pareho silang may kontrata sa Viva Films.
“We have a project sa pipeline but I think she has to finish hers first, and I also have other things committed already prior to that concept,” kumpirmasyon ni Alden tungkol sa posibilidad na magsasama sila ni Anne sa isang acting project.
Dagdag pa ng Kapuso actor, “I am very much willing to work with Anne kasi I know her based on nakakasama ko siya sa mga shoot.
"Mabait na tao and feeling ko, magaan din katrabaho."
Read: Emma Mary Tiglao clinches back-to-back Miss Grand International crown for the Philippines
NEXT TELESERYE FOR ALDEN
Ang Pulang Araw ng GMA-7 na nagwakas noong Disyembre 27, 2024 ang huling teleserye na pinagbidahan ni Alden.
Hindi pa nasusundan ang Pulang Araw dahil sa dami ng mga ginagawa ni Alden tulad ng pag-aaral maging piloto, product endorsement shoots, at pagdalo sa mga international film festival para sa Out of Order.
Ngayong 2025, ang dance reality competition na Stars on the Floor ang tanging TV show ni Alden.
Pero siniguro nitong magkakaroon siya ng teleserye sa susunod na taon dahil nasa puso niya ang pagiging aktor.
Saad niya: “Next year magteteleserye tayo.
"Sasabihin ko kapag everything is final. Mahirap kasi pangunahan pero meron.
“I am doing a lot of things in the industry, on and off, pero one thing is true to me and that’s my heart as an actor.
"Wala nang makakatanggal noon sa akin."
Nagbitaw ng salita si Alden na hinding-hindi niya tatalikuran ang pag-arte.