Trigger Warning: Mention of suicide
Hindi lamang ang mga news outlet sa Pilipinas ang naglabas ng balita tungkol sa pagkamatay ng social media influencer na si Emman Atienza, anak ng TV host na si Kim Atienza.
Ibinalita rin ito sa malalaking international news outlets gaya ng New York Post, TMZ, Daily Mail, People, Us Weekly, at ibang mga pahayagan sa iba’t ibang bansa.
Pumanaw si Emman sa Los Angeles, California, noong Oktubre 22, 2025.
Siya ay 19.
Read: Social media influencer Emman Atienza dies at 19
EMMAN ATIENZA'S CAUSE OF DEATH REPORTED BY INTERNATIONAL MEDIA
Sa official statement na inilabas ng pamilya ni Emman — ang kanyang mga magulang na sina Kim Atienza at Felicia Hung Atienza at mga nakatatandang kapatid na sina Jose at Eliana — hindi direktang tinukoy ang sanhi ng pagkamatay niya.
Ngunit ipinahiwatig nilang may kinalaman ito sa kalusugan ng pag-iisip.
Sa report ng ilang international news outlets, direkta nilang tinukoy ang salitang "suicide" na dahilan ng pagpanaw ni Emman sa murang edad.
Headline ng New York Post: “TikTok star Emman Atienza, 19, dead by suicide as TV host dad pays tribute”
Nakasaad naman sa headline ng People: “Influencer Emman Atienza Dies at 19 After Being Found in Her L.A. Home”
Headline ng TMZ: “TikTok Star Emman Atienza Dead at 19”
Nakasaad sa Us Weekly: “Filipino TikTok Star Emman Atienza Dead at 19: 'She Brought So Much Joy'"
Sabi naman ng Daily Mail: “TikTok star Emman Atienza dies aged 19 as TV host father pays heartbroken tribute”
Read: Veteran choreographer Anna Feliciano dies at 65
KIM ATIENZA ON DEATH OF HIS DAUGHTER
Nalaman ni Kim ang masakit na katotohanan tungkol sa pagpanaw ng kanyang bunsong anak noong Huwebes, Oktubre 23.
Pero sa kabila nito, sumipot siya sa live telecast at ipinagpatuloy niya ang kanyang taping para sa TiktoClock, ang morning variety show ng GMA-7.

Kabilang sa mga host ng TiktoClock si Kim.
Napansin ng kanyang mga kasamahan sa trabaho ang kakaibang kalungkutan at katahimikan ng TV host, pero hindi nila alam ang nangyari at hindi sila nagkaroon ng hinala sa bigat ng pinagdaraanan niya.
Ipinakita ni Kim ang tunay na kahulugan ng propesyunalismo dahil kahit nagluluksa at nagdurugo ang kanyang puso, hindi ito nahalata sa live broadcast ng TiktoClock noong Huwebes at sa taping ng tatlong kabanata ng programa.
Related Stories:
- Social media influencer Emman Atienza dies at 19
- Emman Atienza: Remembering a Gen Z advocate's impact
- Emman Atienza’s last Threads post shows pain from online hate
- Friends pay tribute to late influencer Emman Atienza
- Emman Atienza death, ini-report ng major international news outlets
- Emman Atienza’s past post on mental health resurfaces online
- Filipino celebrities taking a strong stand against cyberbullying
- Kim Atienza urges compassion and kindness following daughter Emman’s passing
- Emman Atienza denies corruption funds her lavish lifestyle
- Emman Atienza airs side over viral "PHP130k dinner" video
- Kim Atienza defends daughter's involvement in protests
Ang depresyon ay seryosong usapin. May mga organisasyong handang tumulong sa mga taong dumaraan sa ganitong kondisyon. Katulad na lamang ng National Center for Mental Health na inilunsad ng Department of Health.
Para sa nangangailangan ng tulong, maaring tumawag sa National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 at mobile number 0966-351-4518.