PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Atienza, wala pang leave request, ayon kay Louie Ignacio

Tinapos pa rin niya ang taping ng TiktoClock kahit nalaman ang sinapit ng anak.
by Jojo Gabinete
Published Oct 27, 2025
kim atienza shows up at Tiktoclock taping
Tinapos pa rin daw ni Kim Atienza ang taping ng TiktoClock kahit nalaman ang sinapit ng anak na si Emman Atienza.
PHOTO/S: Kuya Kim Atienza on Facebook

Iuuwi sa Pilipinas ang mga labi ni Emman Atienza, ang TikTok influencer na pumanaw noong Oktubre 22, 2025, sa Los Angeles, California, USA.

Si Emman ang bunsong anak ng TV host na si Kim Atienza at ng businesswoman na si Felicia Hung.

Naririto sa Pilipinas si Kim, habang nasa U.S. na ang kanyang asawa.

Pero hindi pa tiyak kung kailan maiuuwi sa bansa ang bangkay ni Emman dahil sa maraming proseso na dapat sundin at gawin.

Si Kim ang isa sa mga hosts ng TiktoClock, ang morning variety show ng GMA-7.

Ikinalungkot ng kanyang mga kasamahan sa programa ang nakakagulat na pagkawala ni Emman.

Sa panayam ng Cabinet Files sa direktor na si Louie Ignacio ngayong Linggo, Oktubre 26, ipinahayag niya ang pakikiramay sa naulilang pamilya.

"Sabi ko kay Kuya Kim na nandito lang kaming mga kaibigan mo.

"At taos-pusong pakikiramay. No words, at alam kong sobrang sakit ng nararamdaman niya at pagkabigla sa nangyari kay Emman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lagi niyang ikinukuwento sa akin si Emman na sobrang mahal niya,” ang sabi ni Louie.

Kim Atienza and youngest daughter Emman
Kim Atienza and youngest daughter Emman
Photo/s: Kuya Kim Atienza on Facebook

THE SHOW MUST GO ON FOR KIM ATIENZA

Nakarating kay Kim ang balita tungkol sa nakabibiglang pangyayari sa kanyang anak noong Huwebes, Oktubre 23.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila ng matinding kalungkutan na nararamdaman, tinapos ni Kim ang mga trabaho bilang host ng TiktoClock noong araw na iyon.

Napansin daw ng kanyang mga kasamahan ang kakaibang kalungkutan at katahimikan ng usually-bubbly TV host.

Pero hindi nila alam ang nangyari at hindi sila nagkaroon ng hinala sa bigat ng pinagdaraanan niya.

Ipinakita ni Kim ang tunay na kahulugan ng propesyunalismo dahil kahit nagluluksa at nagdurugo ang kanyang puso, hindi ito nahalata sa live broadcast ng TiktoClock noong Huwebes at sa taping ng tatlong kabanata ng programa.

Itinanong ng Cabinet Files kay Louie ang mga plano ng TV host habang hindi pa naiuuwi sa Pilipinas ang bangkay ni Emman.

"Hindi pa ako sure kung ano ang balak ni Kuya Kim sa mga darating na araw at wala pa naman siyang sinasabi sa show kung magbabakasyon muna siya,” ang sagot ni Louie.

Read: Ellen Adarna laughs off rumor linking Sarah Lahbati to marital woes

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tinapos pa rin daw ni Kim Atienza ang taping ng TiktoClock kahit nalaman ang sinapit ng anak na si Emman Atienza.
PHOTO/S: Kuya Kim Atienza on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results