Nagkasabay sa mga sinehan ang mga pelikulang kalahok sa CineSilip at ang Quezon, ang biopic na pinagbibidahan ni Jericho Rosales.
Nagbukas sa mga sinehan ang Quezon noong October 15, 2025.
Nagsimula namang ipalabas ang pitong official entries ng CineSilip noong October 22.
Nagkaroon ng ingay ang Quezon dahil sa galit ni Ricky Avanceña, ang apo ni dating Pangulong Manuel Quezon.
Hindi nagustuhan ni Avanceña ang pagsasalarawan ng pelikula sa karakter ng kanyang lolo kaya malulutong na mura para sa direktor na si Jerrold Tarog ang pinakawalan niya.
Nadamay rin si Jericho sa silakbo ng damdamin ni Avanceña nang subukan ng aktor na pigilan siya sa pagsasalita sa post-screening forum para sa Quezon sa isang sinehan sa Makati City noong nakaraang linggo.
Nadagdagan ang bilang ng manonood sa mga sinehan ng Quezon dahil sa viral video ng pagkondena ni Avanceña sa mga lumikha ng pelikula tungkol sa lolo niya.
Read: Manuel Quezon descendant confronts Jerrold Tarog, Jericho Rosales
Ibinahagi ni Avanceña sa Facebook post nito noong Linggo, Oktubre 26, ang opinyon ni award-winning director at Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Jose Javier Reyes tungkol sa Quezon.
Nanood si Reyes ng Quezon na diumano’y nagbigay sa kanya ng pagkabahala.
Ito ang kabuuan ng pahayag ni Reyes na binanggit ang CineSilip sa kanyang Facebook post na may kinalaman sa Quezon:
“I have just watched QUEZON and I left the moviehouse greatly disturbed. This is because I wanted to find out:
"(1) In a biographical movie such as this, where does the FACT end and the FICTION begin?
"(2) Being the concluding episode of the BAYANIVERSE, what is the filmmaker trying to say about a trio of Filipino heroes? and most important....
"(3) Why are there more people watching the SINESILIP movies than an ambitious epic of historical note like QUEZON?
"I shall not sleep well tonight thinking about this.”
Read: John Arcilla, nagbigay ng opinyon sa issue ng Quezon movie
CINESILIP AWARDS NIGHT
Magaganap ang 1st CineSilip Awards Night sa Viva Café, Cubao, Quezon City, ngayong Lunes ng gabi, Oktubre 27, 2025.
Ang CineSilip ang pinakamapangahas na film festival. Nag-umpisa ito noong Oktubre 22 at matatapos sa Oktubre 28.
Ang mga pelikulang pinagbibidahan ng Vivamax stars ang mga kalahok sa 1st CineSilip na mapapanood lamang sa mga sinehan ng Ayala Malls.
Pararangalan sa 1st CineSilip Awards Night ang mga pelikulang maganda ang pagkakagawa at ang mga aktor na nagpamalas ng mahusay na pagganap.
Tiyak ding muling idaraos sa susunod na taon ang CineSilip Film Festival dahil sa tagumpay nito.
Read: Ultimate Guide to the Seven Official Entries of CineSilip 2025