Ang mga mamamahayag mula sa TV networks, radyo, at pahayagan ang maituturing na mga bayani sa panahon ng kalamidad.
Sila ang mga nag-uulat mula sa mga lugar na pinangyayarihan ng delubyo, tulad ng nangyari nang mag-umpisa ang pananalasa ng Category 5 Super Typhoon Uwan sa Pilipinas noong Linggo, Nobyembre 9, 2025.
Pinupuri ang mga mamamahayag dahil sa katapangan at buwis-buhay na paghahatid nila ng balita, pero may mga reporter ding nakatatanggap ng mga pagpuna at kritisismo dahil sa paraan ng kanilang pag-uulat.
Read: Storm chaser Josh Morgerman, nasa Piipinas para i-cover ang typhoon Uwan
LUISITO SANTOS
Hindi pabor para kay Luisito Santos ng DZBB ang karamihan ng reaksiyon at mga komento ng netizens nang iulat niya mula sa Roxas Boulevard, Manila, ang malakas na hampas ng hangin na hatid ng Super Typhoon Uwan noong Linggo.
Hawak ang payong, nakipagbuno si Santos sa malakas na hangin habang nag-uulat siya tungkol sa sitwasyon sa naturang lugar.
Pero imbes na pakinggang mabuti ang mga sinasabi ni Santos, ang pakikipagbuno nito sa malakas na hangin na puwedeng ikapahamak niya ang pumukaw sa atensyon ng manonood.
Hindi natuwa ang ilan sa nasaksihan na eksena dahil para sa kanila, “sensationalism” at hindi na pagbabalita ang kanyang ginagawa.
Mas nakuha pa ng halos magkaluray-luray na payong na hawak ni Santos ang simpatiya ng Cabinet Files.
Kung nakapagsasalita lamang ang payong, tiyak na nagreklamo na ito sa naging trato sa kanya na naiwasan sana kung hindi naging masidhi ang pag-uulat ni Santos.
Ito tuloy ang higit na napansin, hindi ang report niya tungkol sa malakas na hampas na hangin sa Roxas Boulevard.
Ito ang ilan sa mga komentong naka-post sa video ni Santos sa mismong Facebook account ng GMA News:
"Salute to the camera man. Over acting for the reporter.. pabida hahahaha.."
"Action star ba to o reporter?"
"OA sumilong ka ngani, hero yarn?"
"Nako.. hazzard pay plus night shift overtime"
"Masyadong ginalingan sir HAHAHA dinayan cguro trabahu boss nag papa viral kana po ingat jan HAHAHA"
"Uwi kna muna Sir wla kna payong"
Sa kabilang banda, may mga pumuri rin sa ipinakitang "dedikasyon" ni Santos sa kanyang trabaho, at ipinagtanggol siya laban sa mga negatibong komento:
"I’ve seen comments saying that he’s being OA. FYI, he’s there to keep us updated and informed about how strong the wind is, that’s why he’s using the umbrella."
"Salute to you sir. In Nov. 1995, Pia Hontiveros was tied to a flagpole so as not to be blown by the strong wind just to inform and update the public about the super typhoon Rosing. 'A journalist has to go where the story is to report on it. They are running to things that other people are running away from.'"
"Literal na Flexible and can work under pressure"
"This is more accurate weather report than ABC news in America."
Bukod kay Santos, nakakuha rin ng papuri ang cameraman niya:
"Salute to the cameraman."
"Immortal camera man"
"Cameraman never blink!"
"Dude behind the camera should get the highest pay increase"
Read: Sierra Madre, muling nag-trending dahil sa super typhoon Uwan
ANJO PERTIERRA
“Stay safe and stay updated. Ingat po tayong lahat.”
Ito ang nakasanayang spiels ng GMA Inegrated News anchor at reporter na si Anjo Pertierra.
Pero siya mismo ang naglagay sa sarili niya sa kapahamakan nang mag-ulat siya tungkol sa panganib na hatid ng Super Typhoon Uwan sa Cauayan, Isabela, noong Nobyembre 9.
Malaki at marami nang ipinagbago ang panahon dahil hindi na basta napabibilib ang mga Pilipino ng mga buwis-buhay na pag-uulat — na ginawa noon ni Atom Araullo nang tutukan nito ang mga kaganapan sa Tacloban City, Leyte, nang hagupitin ito ng Super Typhoon Yolanda noong Nobyembre 2013.
Pinahahalagahan na ngayon ng mga Pilipino ang kaligtasan ng mga mamamahayag na maaari namang maghatid ng balita na hindi nila ikapapahamak at hindi kailangang makipagbuno sila sa bagsik ng mga bagyo.
Read: 5 TV reporters who defied strong typhoon for news coverage
MARK ANDREW ORTIZ
Ito ang dahilan kaya nakatatanggap ng mga papuri ang News5 cameraman na si Mark Andrew "Mac" Ortiz.
Walang anumang drama si Ortiz sa live na paghahatid nito ng balita tungkol sa sitwasyon sa Legazpi, Albay, habang binabayo ng Super Typhoon Uwan ang Bicol region.
“First time, first time,” halatang kinakabahan na sabi ni Ortiz sa news anchors na sina Ed Lingao at Gretchen Ho tungkol sa kauna-unahang pagkakataong pag-uulat niya sa harap ng kamera dahil wala siyang kasamang news reporter.
Para maging komportable at huwag talunin ng kaba, “Kuwento mo, para lang tayong nag-iinuman” ang payo ni Lingao kay Ortiz, na walang karanasan sa paghahatid ng balita sa harap ng kamera.
Nakatulong ang payo ni Lingao kay Ortiz para mairaos nito ang biglaang responsibilidad.
Umani ng mga papuri si Ortiz dahil ramdam ang sinseridad niya na maiparating sa manonood sa abot ng kanyang makakaya ang mga nangyayari sa Legazpi, Albay, sa oras ng delubyo.
Read: Monterrazas project ni Slater Young, iimbestigahan ng DENR at DPWH