Naglabas ng pahayag si Katrina Ponce Enrile ngayong Miyerkules ng umaga, Nobyembre 12, 2025, tungkol sa kalagayan ng kalusugan ng kanyang 101-anyos na ama, si dating Senate President Juan Ponce Enrile.
Kasalukuyang nakaratay sa ICU ng isang ospital ang dating senator dahil sa pneumonia.
Nakasaad sa post ni Katrina: “My father, Juan Ponce Enrile, remains in the ICU where he is currently being treated for pneumonia.
“He is under the dedicated care of his attending physicians and medical staff who are providing him with the best possible treatment and attention.
“We are deeply grateful for the concern, prayers, and support extended to our family during this time. Thank you very much.”
Read: Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile lambasts Vice Ganda: “Bastos ka, bastos kang tao!”
Bukod sa pasasalamat sa lahat ng mga nagdarasal para sa kalusugan ng kanyang ama, hiniling ni Katrina sa publiko na bigyan sila ng privacy.
Mensahe niya: “Thank you to everyone who has reached out with concern and prayers for our father. We’re grateful for the incredible medical team caring for him during this difficult time.
"We ask for privacy as our family navigates this together. We’ll share updates when appropriate."
Read: Katrina Ponce Enrile recalls tragic last moments of ex-boyfriend Alfie Anido

THE ANNOUNCEMENT AND IN MEMORIAM POSTS
Nalaman ng publiko ang sitwasyon ni Enrile dahil humiling ng panalangin para sa kanya si Senator Jinggoy Estrada sa plenary session ng Senado noong Martes, Nobyembre 11, 2025.
Pagbabahagi ng actor-politician: “I have just received a very, very sad information that our former colleague, former Senate President Juan Ponce Enrile, is currently in the Intensive Care Unit of an undisclosed hospital suffering from pneumonia. And I heard from a reliable source — a very, very reliable source — that he has a slim chance of surviving.
“And I hope, all of us here present, can have a short prayer.”
Ilang minuto matapos ang pagsasalita ni Estrada tungkol sa kalagayan ni Enrile, naglabas agad ng In Memoriam post ang isang pahayagan sa social media page nito.
Ngunit agad din nila itong binura nang malaman nilang walang katotohanan ang balita.
Pero huli na ang pagbubura na ginawa ng pamunuan ng pahayagan dahil marami na ang nakapagbahagi ng screenshot ng kanilang social media post.
Kabilang ang dating broadcast journalist na si Jay Sonza, ang kasintahan ni Dionesia Pacquiao na si Mike Yamson, at ang dating sexy star na si Baby Cabading aka Guada Guarin sa mga personalidad na nagpahatid ng pakikiramay sa pamilya ni Enrile.
Kabilang sila sa naniwala sa walang katotohanang balita.
Read: Juan Ponce Enrile 100th birthday memes, kaabang-abang sa Valentine's Day
At press time, burado na ang mga Facebook post nina Mike at Guada.
Pero mababasa pa rin sa Facebook page ni Jay ang maling impormasyong nakarating sa kanya.
Ito ang nakalagay sa deleted post ni Guada: “Hindi po kita makakalimutan bata pa ako nun huli mo akung kinausap tama po kayo sa totoo lang… Pahinga na po kayo.”
GUADA GUARIN AND JUAN PONCE ENRILE
Sa mga nagtataka sa pahayag ni Guada, minsan na siyang tinulungan ni Enrile, ang Defense minister ng pamahalaan ni dating Pangulo Ferdinand Marcos Sr. noong dekada ’80.
Si Enrile ang nilapitan at hiningan ng tulong ng namayapang talent manager na si Rey dela Cruz nang masangkot si Guada at ang pumanaw na aktres na si Pepsi Paloma sa celebrated alleged rape case noong 1982.
Malaking balita noon ang naturang kaso dahil sina Vic Sotto, Joey de Leon, at Richie D’Horsie ang mga pinaratangan ng pang-aabuso.
Read: Old interview ni Guada Guarin, lumitaw dahil sa Pepsi controversy
Sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files sa dating aktor na si Gil Guerrero noong Enero 4, 2025, ikinuwento niyang si Enrile ang tumulong kina Guada at Pepsi dahil magkamag-anak sila ni Dela Cruz.
Ayon kay Gil, malaki ang partisipasyon ni Enrile kaya mabilis natunton ang kinaroroonan ni Pepsi at nailigtas ito nang dukutin ng isang Ben Ulo noong kainitan ng isyu.
Read: Gil Guerrero, pinuna ang pagsasapelikula ng buhay ni Pepsi Paloma