Ang Netflix reality competition series na Physical: Asia ang naging daan para makilala at hangaan ng mga Pilipino si Mark Striegl aka Mark Mugen, ang mixed martial artist na miyembro ng Team Philippines.
Dumami ang bilang ng mga tagahanga ni Mark dahil sa kakaiba at nakabibilib na lakas na ipinamalas niya sa mga mabibigat na pagsubok sa Physical: Asia.
Lingid sa kaalaman ng lahat, ang basketball player na si Ricci Rivero ang unang inalok para maging miyembro ng Team Philippines para sa Physical: Asia.
Pero hindi niya tinanggap dahil sa personal na dahilan.
Kabilang sina Ricci at Mark sa mga talent ng VP Global Management.
Ang pagtanggi ni Ricci sa alok na magkaroon ng partisipasyon sa Physical: Asia ang dahilan kaya si Mark ang ipinalit sa kanya.
And the rest is history.
Read: Did Team Philippines make it to the next round of Physical: Asia?

RICHARD FIRST CHOICE IN SCORPIO NIGHTS, SECOND CHOICE IN INDAY BOTE
Sa larangan naman ng pelikula, marami ang hindi nakakaalam na si Richard Gomez ang first choice na magbida sa Scorpio Nights, ang erotic-thriller film ng Regal Films noong 1985.
Tinanggihan ng baguhan noong aktor ang pelikula dahil hindi niya kayang ipakita sa pelikula ang kanyang “pototoy.”
Pinalitan siya ni Daniel Fernando sa Scorpio Nights, na pinagbidahan din nina Anna Marie Gutierrez at Orestes Ojeda at idinirek ni Peque Gallaga.
Read: Richard Gomez recalls refusing to do Scorpio Nights

Kuwento ni Richard sa panayam sa kanya ng Fast Talk With Boy Abunda: “I was in Regal at that time, kasama ko si Douglas [Quijano, Richard’s late manager]. In-offer sa akin yung movie na Scorpio Nights, yung kay Daniel Fernando.
“So sabi ni Mother [Lily Monteverde, Regal Films producer], ‘Basahin ninyo ang script. Peque Gallaga yan.’
“I don’t know who Peque Gallaga was kasi bago pa ako noon.
"So binasa ko, sabi ko, hindi ko kayang maghubad-hubad. Inilalabas yung pototoy, yung mga ganoon talaga.
“Sabi ko, 'Dougs, hindi ko kaya ito.' Ibinalik ko yung script. Sabi ko, 'Hindi ko kaya.'
"Sabi niya, ‘Don’t worry. Punta tayo kay Mother.’
“We went to Mother Lily. Sabi niya, 'Ayaw mo? Okay lang. Ibigay mo sa kanya ang script ng Inday Bote.’
“Ibinigay sa akin ang script ng Inday Bote.”
Second choice si Richard para sa karakter na ginampanan niya sa pelikulang Inday Bote (1985) dahil tinanggihan ni Gabby Concepcion ang alok na maging kapareha ni Maricel Soriano sa naturang proyekto.

Lahad ni Richard: “Hindi raw tinanggap ni Gabby because si Maricel at saka si William [Martinez], they were the biggest loveteam at the time. And siguro Gabby didn’t want to be the third wheel.
“E, sino ba naman ako? Wala akong pangalan, ibinigay sa akin. 'Okay, sige.'
"After three, four days, nagsu-shooting na ako ng Inday Bote. Ganoon lang kabilis.”
At gaya ng nangyari kay Mark Mugen, the rest is history.
Read: Netizens react to Kim Chiu and Gerald Anderson's beso moment