Wala raw sa intensiyon ni Nico Locco na makisawsaw sa isyu ng pagwawakas ng relasyon ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna.
Pero noong Nobyembre 20, 2025, hindi niya napigilan ang sarili na magkomento tungkol sa audio clips ni Derek habang nagagalit.
Mismong si Ellen ang naglabas ng mga ito sa social media.
Read: Derek Ramsay, ano ang reaksiyon sa audio recordings ni Ellen?
Social media post ni Nico: “Recording someone angry without their knowledge and then proceeding to act calm… hoping they get triggered doesn’t make you innocent.
"Kalmado ka kasi alam mo may recording. Where’s the logic nowadays? Monkey business tlaga hahah."
Hindi man direktang sinabi ni Nico kung ano ang tinutukoy niya, mahihinuhang tungkol ito sa audio recording nina Ellen at Derek — na noong panahong iyon ay laman ng mga balita.
Read: Ellen Adarna: "Cheating and abuse should never be tolerated."
NICO LOCCO ON DEREK-ELLEN AUDIO RECORDING
Nang makausap ng Cabinet Files ang lead actor ng VMX movie na Kapag Tumayo ang Testigo, inamin nitong wala siyang alam tungkol sa tunay na kuwento ng paghihiwalay nina Derek at Ellen.
Pero ikinalungkot at ikinabahala raw niya ang kanyang mga nakikita sa social media.
Saad ni Nico: “Sad to see na naging common place na ang social media to air out dirty laundry. In short, washing dirty linen in public.
“What happened to handling problems privately and maturely, lalo na pag may family involved?
"Hindi ko alam yung totoong kuwento at hindi ko naman business to know, pero siyempre there’s three sides to every story.
“Perspective ni girl, perspective ni guy, and the truth.
"Actually four sides na nga, pang-apat ay perspective ng mga tao. Ganoon talaga."
Buo ang paniniwala ng Italian-Canadian actor-model na may motibo ang nag-record at naglabas sa publiko ng audio clips.
Aniya: “Recording someone getting angry without their knowledge and then proceeding to act calm, hoping mati-trigger sila, doesn’t make you innocent.
“Kalmado ka kasi alam mo may recording. Halata rin na may balak yung nagre-record. Everything has context.
“Ano ang magiging message nito sa mga younger generation kapag may problema o may away? Post-post na lang sa social media yung mga private matters?"
Paniniwala pa ni Nico, “Kaya maraming suicides ngayon dahil sa bashing at yung mga false narratives created by the public.”
Read: Ellen Adarna packs up; ready to leave Derek Ramsay's house
ONLINE HATE
Minsan na raw nabiktima ng online hate si Nico kaya nababahala siya para sa mental health ng mga kabataan.
Pahayag niya: “Social media is a harsh place nowadays, para siyang boxing ring.
“Observation ko lang din based sa personal experiences ko, people can say anything nowadays, as in anything, pero that doesn’t make it true.
“I’ve always stayed quiet kahit minsan na-twist yung mga opinion tungkol sa akin. Ako, I can handle it kasi alam ko na hindi nila ako kilala personally.
“It’s the kids using social media that worry me, baka they will take it personally.”
Read: Nico Locco no regrets posting rant against It's Showtime