JERRY OLEA
Bwak! Bwak! Bwak!
Trending topics ang "Nikko" at "Vice" sa X (dating Twitter) ngayong Hunyo 6, 2024, Huwebes.

Iyong posts ni Nikko Natividad sa socmed which he deleted afterwards ay patutsada raw kay Vice Ganda sa gawi nito sa "EXpecially For You" segment ng It’s Showtime.
Read: Nikko Natividad shares opinion about public humiliation amid It's Showtime issue
Nai-share pa ni Juliana Parizcova ang nakakagigil na himutok ni Nikko. Bakit daw sumawsaw si Nikko? Charot?!

NICO LOCCO BLIND ITEM
Ngayon ding Thursday night ay nag-post ang Vivamax hunk actor na si Nico Locco sa Facebook page niya.
Ani Nico, “Konting rant here kasi l've seen it going on for too long.
“Di ko sasabihin any names here... but i think we all know who l'm talking about.
“If you have to make fun of people and take personal shots at them palagi to make people laugh, it's s0000 not funny. Para sa akin, it's simply a lack of intelligence and creativity. I'm so tired of seeing it pa ulit ulit on tv.
“I won't mention the show or network that repeatedly does it pero yeah, you know what I mean. Belittling someone to make people laugh doesn't make you a comedian. It makes you a bully.
“I would love to see that specific person jump into their shoes for once para maramdaman niya what it feels like. Siguro he or she wouldn't be laughing anymore.”

Nag-guest si Nico at ang ex-girlfriend niyang si Christine Bermas kamakailan sa "EXpecially For You segment."

Read: Christine Bermas reveals being cheated on by Nico Locco
NOEL FERRER
Nikko at Nico versus Vice Ganda?
Iyong isa, deleted na ang rant.
The other one, pa-blind item.
Bakit hindi nila pangatawanan ang mga punto nila kung alam nilang nasa tama sila? Bakit pa-guessing game pa?
Siguro naman, sa pag-guest nila sa segment na iyon sa It’s Showtime ay alam nila ang kanilang pinasok at alam nila ang naturalesa ng mga taong makakasama nila.
Actually, matanda na rin sila para masabi ang kanilang saloobin right there and then. Bakit hindi nila ginawa iyon?
Baka parang after-the-fact pa sila nagsalita? Kasi, naghahanap sila ng aayon sa kanila?
Sana, nanindigan sila agad at nag-speak up, hindi belatedly. Oh well, simple lang ang panuntunan ko: “If you can't handle the heat, get out of the kitchen.”
Ganoon na lang, Nikko at Nico.
GORGY RULA
Sa totoo lang, hindi talaga maiiwasang magiging kontrobersiyal itong segment ng It’s Showtime na "EXpecially For You."
Personal ang mga isyung pinag-uusapan dahil dating magkarelasyon ang maglalahad ng kanilang kuwento.
Lalo na sa panahon ngayong lahat ay may opinyon, hindi malayong umabot sa ganitong sitwasyon. Kaya tuloy naging instant celebrity itong mga simpleng taong ibinulatlat ang mga personal nilang isyu sa telebisyon.
Yung kaso nina Axel Cruz at Christine, lumaki na at ang daming nakisawsaw dahil umabot nga sa social media.
Read: Vice Ganda expresses intention to apologize to Axel Cruz
Kung mismong doon sa It’s Showtime ay nagpaliwanag agad si Axel na hindi naman pala niya ibebeso si Christine, at kung doon mismo ay ipinagtanggol na siya nung searcher, baka tapos na ang isyu.
Kasi, nalinawan na sana doon agad.
Pero siyempre, hindi nabigyan ng chance magpaliwanag si Axel, kaya karapatan naman niyang ipagtanggol ang sarili na idinaan sa social media.
Pero walang masamang intensiyon si Vice nung sinita niya si Axel. Proteksiyon niya yun sa babae. Kaya lang, napahiya naman si lalaki.
Read: Vice Ganda retracts apology to "EXpecially For You" searchee
Marami pang posibleng mangyari sa segment na iyan. Buhay na buhay ang mga gustong makisawsaw at sumali sa balitaktakan.
NOONTIME SHOW RATINGS
In a way, nakatulong iyon sa It’s Showtime dahil lalo pa ring namamayagpag ang ratings nito at dapang-dapa na ang katapat na Eat Bulaga!.
Noong nakaraang Martes, Hunyo 4, kung saan nagsalita si Vice Ganda tungkol kina Axel at Christine, 7.6% ang rating ng It's Showtime. Ang Eat Bulaga! ay 3.6%.
Bahagyang bumaba ang It’s Showtime noong Miyerkules, June 5, na naka-7%. Ang Eat Bulaga! ay 3.6% pa rin.
Ang nakaka-good vibes sa It’s Showtime ay ang mga batang sina Kulot, Argus, Jaze, at Kelsey na napakagaling sa kanilang segment na "Showing Bulilit."
Ibabalik na ng ABS-CBN ang Goin’ Bulilit na pagbibidahan ng mga batang ito.
