PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robin Padilla, inaming madaling ma-in love noon sa leading ladies

Robin-Bong-Coco-Lito collab movie, bakit hindi na matutuloy?
by Jojo Gabinete
Published Dec 5, 2025
robin padilla bad boy 3
Senator Robin Padilla: “Ang paggawa ng pelikula noong araw, ang haba. Mai-in love ka talaga. May problema ka kapag hindi ka na-in love. Kalokohan."
PHOTO/S: Jojo Gabinete

“Typical na suliranin.”

Ito ang sagot ni Senator Robin Padilla tungkol sa hindi natuloy na pelikula na pagsasamahan nila nina Coco Martin, Senator Lito Lapid, at ng dating senador na si Bong Revilla.

Unang napabalita noong Enero 20, 2024 na magsasama sa isang proyekto ang apat na action superstars matapos ibinahagi ni Bong sa social media ang larawan nila na may caption na “Ayos na.”

Kasama sa litrato ang direktor na si Brillante Mendoza, Mark Lapid; at ang character actor na sina Val Iglesias at Rez Cortez.

Read: Bong, kinumpirma ang pagsasama nila sa pelikula nina Robin, Lito, at Coco

bong lito robin coco movie
(Seated, from left) Senators Bong Revilla, Lito Lapid, and Robin Padilla, and Coco Martin; (standing, from left) Val Iglesias, Mark Lapid, Rez Cortez, and Brillante Mendoza.
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang plano ay isasali sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) noong Disyembre 2024 ang pelikulang ipo-produce sana ng Imus Productions, pero hindi ito nagkaroon ng katuparan.

“Matutuloy na po sana yon. Nagkaanuhan lang sa mga role kung sino yung alam niyo na… typical na suliranin,” reaksiyon ni Robin nang tanungin tungkol sa naudlot na proyekto.

Lalong lumabo ang posibilidad na mangyari ang dream project nila dahil sa mga pagsubok na kinakaharap ni Bong sa kasalukuyan.

Read: Bong Revilla, disappointed sa rekomendasyon ng ICI na kasuhan siya

ROBIN PADILLA ON HIS PAST REPUTATION

May sagot din si Robin tungkol sa kanyang reputasyon noon na nagkakagusto at nakakarelasyon ang mga aktres na nakakapareha niya sa pelikula.

Hindi itinanggi ng aktor-senador ang obserbasyon ng karamihan, pero may paliwanag siya tungkol sa kanyang sitwasyon noon.

Saad niya: “Ang paggawa ng pelikula noong araw, ang haba. Mai-in love ka talaga.

"May problema ka kapag hindi ka na-in love. Kalokohan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Araw-araw mong nakikita. Kasabay mong kakain, kasabay mong… lahat na.

"Kapag nasa location pa kayo, kuwarto lang ang pagitan. Papaano naman?

“Araw-araw mong nakakausap, papaano ka naman hindi mai-in love?”

Dagdag ni Robin, “Ngayon, hindi na puwedeng mangyari. Sandali na lang gumawa ng pelikula ngayon, sa bilis ng technology.”

Read: ABS-CBN responds to TV5 pulling the plug on content partnership

ROBIN'S COMEBACK MOVIE

Ang Bad Boy 3 ang comeback movie ni Robin na inabot din ng matagal na panahon bago natapos dahil naging abala siya sa maraming bagay.

Nakaapekto rin sa shooting ng Bad Boy 3 ang pagkakahalal ni Robin bilang senador noong Mayo 2022.

Balak na ipalabas sa Netflix ang Bad Boy 3, na hindi pa ganap na tapos dahil sa mga special effect na gagawin pa sa Thailand.

Ayon kay Robin: “Tapos na po yung Bad Boy, nasa post na lang po yon.

"Kasi ang gusto po ni Boss Vic [del Rosario, Viva Films producer], yung aming CGI [computer-generated imagery], hindi sa Pilipinas gagawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, babantayan ko po yon, itong December, sa ibang bansa, sa Thailand.

"Dalawa lang naman po ang pinagpipilian ngayon,Thailand o India."

Read: TV5 understands ABS-CBN's situation, but it has "to pay what is due"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Robin Padilla: “Ang paggawa ng pelikula noong araw, ang haba. Mai-in love ka talaga. May problema ka kapag hindi ka na-in love. Kalokohan."
PHOTO/S: Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results