GORGY RULA
Kinumpirma ni Senator Bong Revilla sa PEP Troika na tuloy na ang binabalak nilang movie project na pagsasamahan nila nina Senators Lito Lapid at Robin Padilla, at si Coco Martin.
Ipinost ni Senator Bong sa Instagram nitong Enero 30, 2024, Martes ng gabi, ang kuha nilang apat.
Kasama sa picture ang stunt director na si Val Iglesias, ang COO ng TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority na si Mark Lapid, Rez Cortez, at si Direk Brillante Mendoza.
Nasa caption nito ay “Ayos na (thumbs up sign).”
View this post on Instagram
May mga nagtanong sa akin kung ang ibig sabihin ba nito ay matutuloy na ang matagal na nilang pinag-uusapang film project.
“Yes! Tuloy na,” sagot sa akin ni Senator Bong nang tinext ko siya.
“Ang Imus Productions ang magpu-produce. Si Direk Brillante [Mendoza] ang direktor,” sabi pa niya sa akin.
Inaayos pa raw nila ang kuwento, at meron siyang ibinigay na ideya kung tungkol saan ang kuwento.
Interesting ang naiisip nilang kuwento na tumatalakay sa isang mainit na isyung matagal nang pinag-uusapan. Pero saka na raw nila ito ia-announce kapag plantsado na ang script.
Tinanong na rin namin kung isusumite ba nila ito sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
Wala pa naman daw final. Pero baka ganun na nga raw ang mangyayari, lalo na’t nasa 50 years na ang MMFF sa darating na December 2024. Abangan na lang daw natin.
Pero puspusan pa ang promo ni Senator Bong sa nalalapit na pilot ng season 2 ng action-comedy niyang Walang Matigas na Pulis Sa Matinik na Misis, na magsisimula na sa February 4, Linggo ng 7:15 p.m., sa GMA-7.
Read: Bong Revilla aksidenteng tinamaan ng baril sa mata sa Walang Matigas Na Pulis taping
JERRY OLEA
Tuloy pa ba iyong movie ni Senator Bong with Jillian Ward and Sharon Cuneta?
Read: Bong Revilla-Sharon Cuneta movie bubungad na pasabog sa taong 2024?
Hopefully, matuloy na iyong movie ni Vice Ganda with Direk Jun Robles Lana. Exciting iyon kung mag-qualify sa 50th MMFF.
May pag-asa bang matuloy ang movie na pagsasamahan sina Claudine Barretto, Judy Ann Santos, at Gladys Reyes?
If ever, ligwak talaga sa casting si Angelu de Leon?
Read: Claudine Barretto reveals beef with Angelu de Leon
Meron kayang historical film na sasali sa MMFF 2024? Ano kayang horror film ang magpapakitang-gilas?
NOEL FERRER
Good things are shaping up for the 50th MMFF, ha — as in ang dami naming naririnig na combinations like a possible Piolo-Bea movie, may Alden-John Lloyd Cruz pa nga, tapos may Vice Ganda-Michael V.
Sana, with these endless possibilities of star combination, ang talagang bigyang-pansin ng lahat ay ang magandang istorya na kakapitan ng maraming Pilipino.
Sana nga, maging magandang motivation ang MMFF para pagandahin at pasiglahin pa ang ating industriya!
