PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boy Abunda nag-trending dahil sa tanong kina Bianca, Will, Dustin

Sino para kay Bianca ang kanyang adrenalin at pahinga, langit at impiyerno?
by Jojo Gabinete
Published Dec 13, 2025
Boy Abunda, Will Ashley, Bianca de Vera, Dustin Yu
Sa Fast Talk with Boy Abunda, tinanong si Bianca de Vera kung sino ba para sa kanya sina Will Ashley at Dustin Yu. Sino ang dadalhin niya sa langit at impiyerno?
PHOTO/S: Fast Talk with Boy Abunda Facebook

Trending sa kasalukuyan sa X Philippines ang #TitoBoy dahil sa mga nakakikilig na tanong ni Boy Abunda kina Will Ashley, Dustin Yu, at Bianca de Vera.

Ang tatlo ang mga bisita ni Boy sa Fast Talk With Boy Abunda noong Biyernes, Disyembre 12, 2025, dahil nag-promote sila ng pelikula nila na opisyal na kalahok sa 51st Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula sa Disyembre 25.

Read: Dustin Yu evasive about real score with Bianca De Vera

Sa tanong ni Boy na “Who is Dustin to Bianca?" sumagot si Bianca ng, “Dustin to me is my adrenalin.”

“Sino naman si Will sa buhay ni Bianca?” ang kasunod na tanong ni Boy kay Bianca na sinagot nito ng, “Siguro Will to me would be my pahinga.”

“Ooh, pagkatapos ninyo ni Dustin, sa kanya ka magpapahinga?” ang reaksyon ni Boy na dahilan para matawa si Bianca at ikinakilig ng mga tagahanga niya kaya nag-trending sa X ang #TitoBoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naaliw rin ang fans ni Bianca sa sagot nito nang papiliin siya ni Boy kung sino kina Will at Dustin ang dadalhin niya sa langit at impiyerno.

“Halimbawa lamang, you are given the power to bring one of them, isa lang sa kanila, sa impiyerno at ang isa naman ay sa langit, sino ang dadalhin mo sa impiyerno at sino ang dadalhin mo sa langit?”

“Tito Boooy, my God! Siguro ang dadalhin ko sa langit ay si Will because I think he deserves all the good things in life.

Read: How Bianca de Vera solved beauty concerns inside Bahay ni Kuya

“Si Dustin naman, he also deserves the good things in life but I think he deserves to go to hell because naniniwala rin ako na kaya niya yung impiyerno,” paliwanag ni Bianca na nilinaw na isang compliment para kay Dustin ang kanyang sagot.

“Kanino ka sasama? Sasama ka ba sa langit o sasama ka ba sa impyerno?” ang sumunod na tanong ni Boy.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Tito Boy, at this point, call me… yung fallen angel ba can go to both? “ tanong Bianca.

“Ano ang iyong nararamdaman na ikaw ay pupunta sa langit?” usisa naman ni Boy kay Will.

“Nakakatuwa naman po, Tito Boy, pero huwag po muna ngayon. Marami pa po akong pangarap,” ang natatawang reaksyon ni Will.

Boy to Dustin, "Dustin, ganoon ka ka-hot, sa impyerno ka raw dadalhin?”

"Ah ganoon ba yun? E, sabi ni Tito, hot ka rin daw so hihilahin kita pababa para makasama kita,” tugon ni Dustin kay Bianca na mabentang-mabenta sa kanilang mga hopeless romantic supporter.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa Fast Talk with Boy Abunda, tinanong si Bianca de Vera kung sino ba para sa kanya sina Will Ashley at Dustin Yu. Sino ang dadalhin niya sa langit at impiyerno?
PHOTO/S: Fast Talk with Boy Abunda Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results