PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bago Kim at Lakam, matindi rin ang away ng magkakapatid na ito

Bumati si Ate Nancy, may mahabang post si Direk Lino.
by Jojo Gabinete
Published Dec 14, 2025
Kim Chiu, Lakam Chiu, Nancy Binay, Abby Binay, Lino Cayetano, Alan Cayetano, Lani Cayetano
Bago pa ang hidwaang Kim Chiu at Lakam Chiu (left photo), matindi rin ang hidwaan ng magkakapatid na Nancy Binay (top, 2nd from right) at Abby Binay (top, far right), at Lino Cayetano (bottom, 2nd from right) at Alan Peter Cayetano (bottom, far right, with wife Lani Cayetano).
PHOTO/S: Vicki Belo YouTube / Facebook / Jerry Olea / Pau Guevarra

Noong Disyembre 12, 2025, ang ika-50 na kaarawan ni former Makati City Mayor Abby Binay at 91st birth anniversary ng pumanaw na dating senador at public service TV host na si Attorney Rene Cayetano.

Bago pa man nabulgar ang malalim na hidwaan dahil sa pera ng magkapatid na Kim at Lakambini Chiu, hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang matagal nang hindi pagkakaunawaan dahil sa pulitika ng magkapatid na Abby at incumbent Makati City Mayor Nancy Binay at ni Senator Alan Peter Cayetano at ng kapatid nitong movie director na si Lino Cayetano.

birthday greeting from Ate Nancy

Kahit hindi magkasundo ang Binay sisters, binati ni Mayor Nancy si Abby nang magdiwang ito ng kaarawan noong nakaraang Biyernes.

Sa Facebook post ng Makati City mayor nang araw na iyon, nag-share siya ng childhood photo nilang magkakapatid na may caption na: “After all that has been said and done, I will always be your Ate. Happy birthday #GoldenGirl."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Facebook post ni Makati City Mayor Nancy Binay nung Biyernes, December 12, 2025.
Facebook post ni Makati City Mayor Nancy Binay nung Biyernes, December 12, 2025.
Photo/s: Nancy Binay Facebook

May 208,000 followers ang official Facebook page ni Mayor Nancy kaya marami ang nakakita at nag-share ng pagbati nito sa kanyang estranged sister.

Pero mapapansin na wala sa kanyang Instagram account—na meron lamang 18,000 followers—ang birthday greeting niya sa nakababatang kapatid.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

direk lino vs. sen. alan and mayor lani

Hindi malinaw kung figurative o literal ang pagbangggit ni Direk Lino Cayetano ng pagtutok diumano ng baril sa kanya ng kapatid na si Sen. Alan Cayetano at Taguig City Mayor Lani Cayetano sa mahabang Facebook post niya nung December 12.

Pero malinaw naman na matindi na ang lamat sa relasyon niya sa kanyang kapatid na senador at hipag na mayor.

Bahagi ng kanyang mahabang post na may mabigat na akusasyon (published as is): “Alan and Lani Cayetano - the powerful couple who have all the resources of a Sentor of the republic and the Mayor one of the richest Cities in the country have again, as they did - during the elections - pointed their guns at us.

Nanahimik lang tayo dito. Naka-focus sa mas malaking laban ng buhay tulad ng madaming mga kababayan nating Pilipino at Taguigeno pero I guess ito talaga ang gusto ninyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So be it,”

Tungkol sa residency case na diumano’y inihain ng mag-asawang Alan at Lani ang hinaing ni Lino.

Nakarating sa kanya ang impormasyon sa birthday week ng kanilang sumakabilang-buhay na ama.

Read: Lino Cayetano, inamin ang sigalot sa pamilya dahil sa pulitika

Bahagi pa ng post ng direktor: “Beware of false prophets, who come to you in sheep’s clothing, but inwardly they are ravening wolves. - Matthew 7:15

“Thank you sa early Christmas Gift Kuya Alan and Ate Lani. Sa birthday week pa ng aking ama - I was informed na tuloy ang residency case laban sa akin and we will have a hearing next week sa kaso ng ating pagtakbo. Nagkaso din pala kayo sa ilang mga volunteers ko noong eleksyon.

“I am posting this dahil kinasuhan tayo dahil tayo ay lumaban. Tinuloy ang kaso dahil gusto nila tayo matakot. They want us to keep silent.

“I hope sa pag-post ko, lumakas din ang loob ng iba na inaapi at tinatakot ng mga may kapangyarihan lalo mga luma at traditional na mga pulitiko na sanay sa lumang sistema."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbubunyag pa ni Direk Lino sa kanyang post: “Ano ba talaga ang kanilang kinakatakutan at ano ba talaga ang pinoprotektahan na pati kapatid nila lalabanan, kakasuhan at sinisiraan? sabi ng iba there are more than 10 Billlion reasons (and rising).

Read: Lino Cayetano, kinontra ang kapatid na si Alan Peter Cayetano

“In the 2025 local elections Alan and Lani decided to field their candidate Ading Cruz against me. Now they are finding ways to harrass us - at 2025 pa lang.

“Take note residency case ito; patong patong na kaso laban sa akin - pero ang Mayor ng Taguig nasa District 2 naka-register, (from Bulacan to District 1 to District 2 of Taguig) na ang asawa ay Senador (at Dating Speaker) na nasa ibang district at address naka- rehistro - mag-asawa pero iba ang Comelec address at distrito ng dalawa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakahanda raw si Lino na harapin ang asunto sa kanya: “These last few months parang lalo ko naintindihan bakit napakabigat ng black propaganda laban sa akin during elections (including photos of my mom, my wife, mga pamangkin ko na inikot sa Taguig at Pateros - kasama paggamit ng photos at videos ng mga anak ko sa Comelec, RTC at ERB cases ).

"BUT I will stick to the issue at hand - residency ko at ng mga kapatid ko. Madami tayo pwede himayin dito. Again, we are ready.

"I had no intention of running in 2028 for ANY position - pero ano ba dapat natin gawin sa mga politiko na ganito? Hindi pa nagsisimula ang karera - gusto na mag-harrass at mag-disqualify ng kalaban.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bago pa ang hidwaang Kim Chiu at Lakam Chiu (left photo), matindi rin ang hidwaan ng magkakapatid na Nancy Binay (top, 2nd from right) at Abby Binay (top, far right), at Lino Cayetano (bottom, 2nd from right) at Alan Peter Cayetano (bottom, far right, with wife Lani Cayetano).
PHOTO/S: Vicki Belo YouTube / Facebook / Jerry Olea / Pau Guevarra
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results