PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lino Cayetano, inamin ang sigalot sa pamilya dahil sa pulitika

Lino Cayetano, taong 2022 pa huling nakasama si Alan Peter Cayetano.
by PEP Troika
Published Nov 15, 2024
lino alan lani cayetano politics
Lino Cayetano (left) reveals dispute with brother Senator Alan Peter Cayetano and his wife Mayor Lani Cayetano (right) because of politics. Lino is running as an independent candidate for congressman of 1st district Taguig-Pateros in 2025 elections. His biggest opponent, he says, is being supported by Alan and Lani.
PHOTO/S: Jerry Olea / Pau Guevara

JERRY OLEA

Kinu-question ang qualifications ni Direk Lino Cayetano sa kanyang candidacy para congressman ng Pateros-Taguig (District 1) para sa 2025 elections.

Bakit ba hindi siya tumakbong mayor muli ng Taguig City? Ayaw niyang kalabanin ang kanyang sister-in-law na si Lani Cayetano?

Read: Lino Cayetano, nagsalita sa kinahaharap na disqualification issue

“Maraming nagsasabi na I should have run for mayor,” lahad ni Direk Lino nang makatsikahan ng PEP Troika noong Nobyembre 9, 2024, Sabado, sa office ng Rein Entertainment sa Malingap Street, Quezon City.

“In 2019, I became mayor. 2019 to 2022. Five months after I became mayor, dumating yung pandemic.

“And I think, Taguig naman was cited as one of the cities that had the best practice. Maaga kaming nagka-testing, bakuna, pati yung ayuda and economic recovery ng Taguig.

“And after all of that, nag-iwan pa ako ng apat na bilyon. When I left Taguig, I still left four billion [pesos].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Because there was so much confidence sa business sector na Taguig would recover fast because of what we’ve done, walang nawalang investment.

“In fact, may mga pumasok pa. But in 2022, my brother asked me to step aside para yung wife niya, tumakbo."

Ang tinutukoy ni Direk na Lino na "my brother" ay si Senator Alan Peter Cayetano, at ang "wife" nito ay si Taguig Mayor Lani Cayetano.

Read: Saan galing ang "sampung libo ni Cayetano" at bakit ito laging trending?

Senator Alan Peter Cayetano and Taguig Mayor Lani Cayetano
Senator Alan Peter Cayetano and Taguig Mayor Lani Cayetano
Photo/s: Pau Guevarra
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

IS THERE A FAMILY FEUD?

Pagpapatuloy ng director-producer, “So, ganun kasimple lang. Wala namang malalim na rason. Sinabi lang sa akin na gusto ni Lani bumalik, 'no.

“Hindi ko sure kung siya [Alan] ang may gusto or si Lani, but pinakiusapan ako.

“And ako naman, I didn’t want… I didn’t want a fight. I didn’t want the family to fight.

“So, mahirap sa akin. I love my job. I love serving the people of Taguig. I stepped aside.

“In fact, July 2, naghahanap na ako ng trabaho. I think I had a meeting with Boss Vic [del Rosario], July 2.

“July 1, I stepped down. July 2, nagtatrabaho na ako. Pero over the last three years, may nagtanong, bakit hindi ko na lang bitawan? Mag-full time na ako sa showbiz.

“Over the last three years, may mga gabi talaga, alam ng asawa ko, hindi ako makatulog because parang I wanted to serve.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Something was still calling me. And siyempre, may mga nakikita kang bagay na since I was mayor at alam ko yung labas at loob nung city, na parang…

“Pakiramdam ko, there are ways I can contribute. And people were asking me to run for mayor, ultimately nag-decide ako, if I run, hindi aatras yung sister-in-law ko.

“She won’t give way like I gave way to her. So again, like 2022, ayokong maglaban kami in 2025.

“Ang tingin ko sa buong Taguig, isang pamilya, e. Kahit hindi nagkakasundo yung mga magulang mo, or yung ibang mga miyembro ng pamilya — hindi magandang makita nila iyon.

“So, even if may iba kaming paniniwala sa mga ibang bagay, political affiliation… iba minsan ang aming pananaw.

“Pananaw sa ABS-CBN shutdown, iba. Maaaring sa ibang polisiya ng Pangulong Duterte, iba. Sa ibang polisiya ng Pangulong Marcos, iba. Leadership style, iba.

“So sa akin, OK lang iyon na hindi kayo pareho, pero kung maglalaban kayo sa harap ng tao, hindi maganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi magiging bad example para sa mismong mga pamilya, mga Taguigeño. So umiwas ako. I ran for Congress."

Read: Former Taguig City Mayor Lino Cayetano, ayaw na sa pulitika kaya balik-showbiz

LINO'S OPPONENT FOR CONGRESSMAN IS SUPPORTED BY HIS BROTHER, SISTER-IN-LAW

Ang buong akala raw ni Direk Lino ay hindi na siya kakalabanin nang magdesisyong tumakbo bilang congressman.

Ngunit naguat siya nang suportahan ng kanyang Kuya Alan at ng misis nitong si Lani ang magiging kalaban niya, si incumbent 1st District Taguig-Pateros representative Ricardo Cruz Jr.

Lahad ni Direk Lino: “When I ran for Congress, akala ko, hindi ako palalabanan.

“Ganun lang kasimple. So, hindi ko kalaban si Mayor Lani. In fact, I declared na I will support her. ‘I will not run for mayor, I will support her. And I will run for Congress.’

“Pero nagulat ako na nilabanan ako. So, siguro yung gulat na yun, it lasted just a few hours.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Immediately naman, tinanggap ko na… OK lang, tanggap ko na meron silang ilalaban sa akin.

“Kasi sa akin, hiwalay nga yung pulitika sa pamilya, e… OK lang sa akin na labanan nila ako basta let’s have a clean, honest, and fair election.

“And after the elections, magkapatid uli tayo. Pero payagan niyo naman yung kapatid niyo na baka iba ang paniniwala. Iba ang pananaw.

“At ang palagay ko, makakatulong din ako bilang congressman. Because as congressman, I can help Lani find solutions sa iba niyang mga problema.

“At puwede kong ipakita sa kanya yung ibang mga bagay na maaaring hindi niya nakikita.

“So ako, it all boils down to ano ba yung mas makakaganda para sa Taguig and Pateros, and I think, a strong, independent voice in Congress is good for Taguig and Pateros.

“And good for the country. It’s good for everyone na kahit magkakakampi, nakakapagsalita.

“Mahirap yung darating ang panahon na yung mga lingkod-bayan natin, bawal magsalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, yun lang yung hanap ko na in Taguig-Pateros, they have a representative who can talk and speak their mind.

“And as you can see, ang daldal ko.”

Read: Rep. Alan Peter Cayetano, ikinumpara sa noontime show ang pagpapatalsik sa kanya bilang House Speaker

lino cayetano mmff
Lino Cayetano
Photo/s: Noel Orsal

NOEL FERRER

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Independent candidate si Direk Lino Cayetano.

Nagulat siya nang suportahan ng kuya niyang si Senador Alan Peter Cayetano at maybahay nitong si Mayor Lani Cayetano ang kalaban niya.

Natanggap din niya iyon pagkalipas ng ilang oras. Pero nakaramdam ba siya ng kahit konting sama ng loob, hinampo o hinanakit?

“Mas nagulat ako,” mabilis na tugon ni Direk Lino.

“Na akala ko, nung hindi ako lumaban [sa mayoralty race]… they will also… but yun nga, siguro ayaw nila…

“They don’t like my leadership style. Ayaw nila, nagre-reach out ako sa kalaban. Ayaw nila na… iba-iba, iba yung leadership style.

“And sa akin kasi, alam mo, kuya mo yung isang tao. Pero pag nagse-serve ka, ang pinakikinggan mo dapat, yung tao.

“E, kung gusto ng kuya mo, ayuda; gusto ng tao, tumigil na yung baha — sino ang susundan mo?

“So sa akin, when I was mayor, to me, what’s most important is that I talk to our leaders and I talk to the people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Makikinig ako sa community. And sa akin, iyon yung leadership style na importante. And I think dun kami nagkakaiba.

“Iyon yung relationship nila ni Mayor Lani. Sa amin, iba. And wala namang tingin ko masama dun. It’s just that iba ang pananaw namin sa leadership…

“Iba kami ni Kuya Alan, e. Wala akong kaaway, saka ayaw kong makipag-away.”

Umiwas na nga si Lino na tapatan ang Ate Lani at Kuya Alan niya dahil ayaw niyang magmukhang direktang family feud… pero heto at siya naman ngayon ang tinapatan.

Kumusta kaya ito sa nanay nilang sa loob-loob ay napakasakit makitang may di pagkakaunawaan ang mga anak niya? Nakakalungkot talaga.

Read: Cayetano at Zubiri, nag-apologize matapos magkainitan sa Senado

GORGY RULA

Kumusta ang Pasko ng kanilang pamilya?

“Christmas the last few years has been ako, my family… my family is my wife and my kids,” sagot ni Direk Lino.

“Bonus sa akin na iyong mga kapatid ko ay bumibisita sa amin et cetera, bonus iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang importante lagi sa akin is my wife and my kids. And my mom always spends the most special occasions with us.

“Pero siyempre, hindi ko nakakasama the last few years sina Alan and sina Lani. My mom would of course spend time with both of us.

“Pero ako, lagi ko namang inaalala — more than his relatives, my dad would always focus on us.

“And kaya naman pakiramdam ko naging matibay naman kaming pamilya, kasi yung dad ko focused on us kids.

“So ako rin, my focus talaga is on raising my kids and taking care of my family.”

Ang ama nina Direk Lino at Senator Alan Peter ay ang namayapang dating senador at TV host na si Rene Cayetano.

Kailan ang huling pagkakataong magkakasama silang magkakapatid at ang kanilang ina?

“Ako, yung mom ko, every week, kasama ko naman.”

E, silang magkakapatid?

“Siguro nung mayor pa ako. Mga 2022.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ba namagitan ang ate nilang si Senador Pia Cayetano upang ayusin ang gusot sa pagitan nila ni Senator Alan?

“Maganda kung makausap niyo ang ate ko, no, pero for now, parang pinauubaya niya kasi yung Taguig kay Alan,” tugon ni Direk Lino.

“So siyempre ako, both as a sister and a senator, I was hoping na makapag-intervene siya.

“Pero nasa sa kanya na yun, e. But I think, pinauubaya nila yung mga desisyon sa Taguig kay Kuya Alan.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lino Cayetano (left) reveals dispute with brother Senator Alan Peter Cayetano and his wife Mayor Lani Cayetano (right) because of politics. Lino is running as an independent candidate for congressman of 1st district Taguig-Pateros in 2025 elections. His biggest opponent, he says, is being supported by Alan and Lani.
PHOTO/S: Jerry Olea / Pau Guevara
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results