PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktres, buo na ang desisyon na hiwalayan ang mapanakit na asawa

At nadiskubre pa niyang magkakilala sila ng kerida ng mister niya.
by Jojo Gabinete
Published Dec 14, 2025
Blind Item Aktres Nananakit na Mister
Buo na ang desisyon ni Aktres na hiwalayan ang abusado niyang mister na nagdulot sa kanya ng mental, emotional, at physical na pananakit.

Buo na ang desisyon ng isang aktres na hiwalayan ang kanyang asawa dahil tuluyan nang nawala ang pagmamahal at respeto niya.

Read: Aktres, absuwelto sa perjury na isinampa ng estranged husband

Matagal na panahon na tiniis ng aktres ang emotional at mental torture na nararanasan mula sa kanyang asawa pero ang pisikal na pananakit na nangyari kamakailan ang hindi niya mapalalampas.

Bukod sa emotional at mental torture, may pisikal na pananakit na ring ginagawa ang mister ni Aktres sa kanya.
Bukod sa emotional at mental torture, may pisikal na pananakit na ring ginagawa ang mister ni Aktres sa kanya.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa pagpapa-blotter sa pulis, pormal na naghain ng kaso ang aktres at hinihintay na lamang nito ang pagdinig ng korte sa demanda na isinampa niya laban sa kanyang asawa.

Pinaplano na ng aktres na makipaghiwalay dahil malabo na ang posibilidad na magkasundo pa sila, lalupa’t nalaman niya na tatlo sila sa kanilang relasyon.

Nasaktan nang husto ang aktres sa natuklasan nito na may ibang babae ang kanyang asawa.

Nakadagdag sa sama ng loob ng aktres ang katotohanan na kakilala at magkakilala sila ng kerida ng mister niya.

Read: BLIND ITEM: Asawa ng aktres, unti-unting nabubuking

Sinabi ng aktres na nakita rin nito ang mga ebidensya na magpapatunay ng matagal nang pagtataksil ng asawa niya.

Maaaring magsalita sa mga susunod na araw ang aktres tungkol sa pasya nitong hiwalayan na ang mister.

Hudyat na ito na wala nang balikang mangyayari dahil sa kanyang kagustuhan na makawala mula sa mga kalupitan na nararanasan para makamit niya ang pinapangarap at tunay na kahulugan ng kalayaan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Buo na ang desisyon ni Aktres na hiwalayan ang abusado niyang mister na nagdulot sa kanya ng mental, emotional, at physical na pananakit.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results