Sina Kathryn Bernardo at Andrea Brillantes ang mga showbiz crush ng aspiring boxer na si Eman Bacosa Pacquiao, 21.
Ito ay bago niya naisip sabihin ang pangalan ni Jillian Ward isang araw bago siya pumirma ng kontrata bilang contract artist ng Sparkle GMA Artist Center, ang talent management agency ng GMA Network, noong Nobyembre 19, 2025.
Read: Eman Bacosa, panay ang yakap sa "crush" na si Jillian Ward
May Instagram account na si Eman noong hindi pa siya gaanong pinagtutuunan ng pansin ng publiko.
Isa si Andrea sa mga artistang sinubaybayan niya sa nabanggit na social media platform.
Hindi makapaniwala si Eman nang "mag-follow back" sa kanya si Andrea dahil hindi sila personal na magkakilala kaya tuwang-tuwa siya.
Kung susuriin ang mga Instagram post ni Andrea, makikita na kabilang si Eman sa mga liker dahil crush nga siya ng 21-year-old boxer.

ANDREA BRILLANTES CALENDAR
Sa live guesting ni Eman sa Fast Talk with Boy Abunda noong Nobyembre 18, may nagbigay sa kanya ng mga kopya ng kalendaryo ni Andrea para sa isang alcoholic beverage.
Tulad ng dapat asahan at gaya ng isang pangkaraniwang tagahanga, kinilig at todo ang ngiti ni Eman nang matanggap nito ang sexy calendar ng aktres na kanyang hinahangaan.
Kasama ni Eman sa Fast Talk studio ang kanyang nakababatang kapatid na si Jexter.
Nang makita ni Eman na hawak ni Jexter ang mga kalendaryo ni Andrea, nagsalita siya ng “Akin yan. Crush ko yan.”
Kinuha ni Eman mula kay Jexter ang mga kalendaryo at itinapat niya sa kanyang dibdib.
Read: News reporter Nico Waje, umalis na sa GMA Integrated News

THE ORIGIN OF EMAN'S NAME
Si Eman ang anak ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa Filipina-Japanese na si Joanna Rosa Bacosa.
Isinunod at itinulad ni Joanna ang birth name ni Eman kay Manny na Emmanuel ang tunay na pangalan.
Ang kapatid ni Joanna na walang anak at deboto ni St. Joseph ang nagdagdag ng Joseph sa pangalan ni Eman, kaya Emmanuel Joseph ang kumpletong pagkakakilanlan ng batang boksingero.
Tiyak na naging masaya ang pagdiriwang ng Pasko ni Eman dahil sunud-sunod ang kanyang multi-million product endorsements na malaking tulong sa pamumuhay nila ng pamilya niya.
Read: Content creator, viral sa pagsisiwalat ng panloloko ng girlfriend