PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jimmy Regino dies at 57; brother Vingo recalls his final moments

Vingo on brother Jimmy: "Awang-awa ako. Iyak ako nang iyak"
by Jojo Gabinete
Published Dec 27, 2025
jimmy regino death
Jimmy Regino dies on December 26, 2025, at a hospital in Los Angeles, California, USA.
PHOTO/S: courtesy of Vingo Regino

Kidney failure ang ikinamatay ni Jimmy Regino, isa sa mga miyembro ng April Boys, na popular duo sa Pilipinas noong dekada ’90 at nagpasikat sa mga kantang tulad ng "Honey My Love" at "Sana Ay Mahalin Mo Rin Ako."

Pumanaw si Jimmy sa edad na 57 noong Disyembre 26, 2025, sa isang ospital sa Los Angeles, California, USA.

Naulila niya ang dalawang anak na babae at lalake na kapwa naninirahan sa Philadelphia.

Mahigit dalawang dekada nang naninirahan sa Amerika si Jimmy, pati na rin si Vingo, ang kanyang kapatid na bahagi rin ng April Boys.

JIMMY REGINO'S CONDITION

Sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files kay Vingo, ngayong Sabado, Disyembre 27, sa pamamagitan ng tawag sa telepono, inilahad niya ang matinding lungkot na nararamdaman dahil sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na kapatid.

"May sakit si Jimmy sa kidney, nagda-dialysis siya.

"Nagkaroon siya ng pneumonia, isang buwan na siya sa ICU. Hindi na siya naka-recover."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dapat sana ay may show ang magkapatid kasama ang pamangking si JC, na anak ng kuya nilang si April Boy Regino, na yumao noong November 29, 2020.

"May show nga kami sa San Diego noong December 12, kasama si JC. Hindi na nakarating si Jimmy dahil nasa ospital na siya.

"Isang buwan na siya sa ospital noong December 26."

Read: Renowned Filipino engineer Dado Banatao dies at 79

April Boys Jimmy (L) and Vingo (R) with their nephew JC Regino, son of the late April Boy Regino
April Boys Jimmy (L) and Vingo (R) with their nephew JC Regino, son of the late April Boy Regino
Photo/s: courtesy of Vingo Regino
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JIMMY REGINO'S FINAL MOMENTS

Lungkot na lungkot si Vingo habang ikinikuwento ang mga huling sandaling nakasama niya ang kapatid.

“Dinalaw ko siya noong December 25, grabe. Nangitim na siya, manas na. Parang hindi na siya si Jimmy.

"Awang-awa ako. Iyak ako nang iyak. Alam ko na araw na lang ang itatagal niya.

“Tinapos ko muna ang mga show ko dahil alam ko, maaapektuhan ako. Ayokong makita ang kapatid ko na may sakit.

"Ipinagdasal ko siya, hinalikan ko, niyakap ko siya bago namatay. Parang hinintay lang niya ako. Parang lumuluha siya, pero hindi nakakapagsalita, may tubo na ang bibig niya tapos tuloy pa rin ang dialysis.

"Feeling ko, gusto niya sabihin, ’Aalis na ako. Hinintay lang kita.'"

Read: Celebrities weigh in on viral Marikina road rage

APRIL BOYS: NOTABLE WORKS

Nagbigay naman ng trivia si Vingo tungkol sa mga kantang pinasikat nilang magkakapatid.

Alam niyo bang siya ang sumulat sa mga pinakasikat na kanta nila?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Eleven albums ang ginawa namin. Ang akala kasi ng mga tao, nung umalis kami ng Pilipinas, kanta lahat ng kuya ko [April Boy Regino] yung mga pinasikat namin.

"Pero ang isang kanta lang ni Kuya na pinakasikat, yung 'Hindi Ko Kayang Tanggapin.'

"Lahat ng mga sikat na kanta, sa amin ni Jimmy.

"One hundred songs kasi ang isinulat ko, 'Honey My Love,' 'Sana Ay Mahalin Mo Rin Ako.'"

The April Boys album
Tampok sa The April Boys album ang hit song na "Sana Ay Mahalin Mo Rin Ako."
Photo/s: File
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Ganyan Talaga Ang... April Boys album
Kasama sa Ganyan Talaga Ang... April Boys album ang kantang "Honey My Love (So Sweet)" nina Jimmy at Vingo.
Photo/s: File

Nagbitaw ng salita si Vingo na ipagpapatuloy pa rin ang mga naumpisahan ng April Boys, kahit wala na si Jimmy.

"Diyos ko naman, eleven albums na pinagsamahan namin ng kapatid ko. Ano ang mapi-feel ko? Hindi naman ako bato,” ang malungkot na pahayag ni Vingo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Itutuloy ko pa rin ang April Boys. Milyun-milyon pa rin ang gumagamit ng mga kanta namin. Malakas pa rin ang mga kanta namin hanggang ngayon.

“Imagine, ang tagal namin nawala, pero kapag pumupunta kami sa mga karaoke bar, ang tao na ang kumakanta. Hindi ko na naririnig ang boses ko."

Pero mami-miss daw niya ang kapatid.

"Masakit lang, ang isa sa mga boses dun, kay Jimmy. Kapag naaalala ko yung mga pinagsamahan namin, biglang tumutulo ang luha ko. Kahapon pa ako umiiyak.

“Nung humiwalay sa amin si Kuya April, ako na ang naging provider ni Jimmy. Ako lang kasi ang masipag gumawa ng mga kanta tapos si Jimmy ang pinapakanta ko kasi kung ako lang ang kakanta, papaano naman ang kapatid ko?

"Hindi ako naging madamot sa kapatid ko. Gusto ko kapag sumikat kami, dalawa kami.

"Marami akong kanta na tinatamaan ako ngayon. Pinapakinggan ko kanina yung mga kanta namin, parang ako ang sinasabihan ng kanta namin. Halos lahat kasi ng kanta namin, tungkol sa paghihiwalay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
April Boys: Sana'y Mahalin Mo Rin Ako movie
April Boys: Sana'y Mahalin Mo Rin Ako stars Jimmy (L), Vingo (R) with Donita Rose and Vina Morales (inset) as their leading ladies.
Photo/s: video 48

Dahil sa kanilang popularidad, nagkaroon din sila noon ng mga pelikula sa Viva Films, kabilang ang April Boys: Sana'y Mahalin Mo Rin Ako (1996), Ang Misis Kong Hoodlum (1996), at Takot Ako sa Darling Ko (1997).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jimmy Regino dies on December 26, 2025, at a hospital in Los Angeles, California, USA.
PHOTO/S: courtesy of Vingo Regino
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results