PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

LOOK: Carla Abellana’s mom shares wedding photo

Say hello to Mrs. Reginald Santos.
by Jojo Gabinete
Published Dec 27, 2025
Carla Abellana is now Mrs. Reginald Santos
Carla Abellana is now Mrs. Reginald Santos.
PHOTO/S: reagreyes on Threads

Ang nanay ni Carla Abellana na si Rea Reyes ang nagbahagi ngayong Sabado ng gabi, Disyembre 27, 2025, sa Threads ng larawan ng kanyang anak.

Suot ang simpleng bridal gown, katabi ng aktres ang kanyang groom na si Dr. Reginald Kristian Santos.

Read: Who is Dr. Reginald Santos, rumored fiance of Carla Abellana?

At press time, nag-iisa ang litrato ng bagong kasal.

Kumpirmasyon ito ng matagal nang usap-usapan na magaganap ngayong Sabado ang pag-iisang-dibdib ni Carla at ng kasintahan nitong doktor.

Read: Carla Abellana, kumpirmadong tuloy ang kasal sa December 27

Carla Abellana and Dr. Reginald Santos wedding
Carla Abellana is now Dr. Reginald Santos.
Photo/s: ReaGReyes on Threads
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Reg & Carla" na may tatlong heart emojis ang caption ni Rea sa larawang ibinahagi sa mga tagasubaybay niya sa Threads.

Pero hindi siya nagbigay ng ibang detalye tungkol sa lugar na pinagdausan ng kasal at ng wedding reception.

Si Rea ay isang dating aktres at anak ng veteran star na si Delia Razon+.

CARLA ABELLANA ON RUMORS ABOUT HER WEDDING

Matatandaang naunang nalaman ng publiko ang tungkol sa pagpapakasal ng aktres through the blind items of PEP Troika.

Panaka-naka, may posts din ang Kapuso leading lady sa Instagram pero nakatago ang mukha ng kanyang boyfriend.

Kinumpirma ni Carla sa guesting nito sa Fast Talk With Boy Abunda noong Setyembre 25, 2025, na nakikipag-date siya, pero hindi niya binanggit ang pangalan ng kanyang manliligaw.

"It was a date. Yes, I’ve been actually seeing him. Kita niyo naman, nakaka-dalawang posts na po ako, di ba?

"Parang may pagka-soft launch po pero matagal ko na po iyan siyang kilala,” ang lahad ni Carla kay Boy tungkol sa kanyang hindi pa ipinapakilala noon na karelasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Reads: Carla Abellana posts "Last Christmas as a Miss” on Instagram

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carla Abellana is now Mrs. Reginald Santos.
PHOTO/S: reagreyes on Threads
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results